Skip to main content

James at Nadine lalong nagiging close sa isa't isa

February 2, 2016

KAHIT nag-viral ang picture nina James Reid and Nadine Lustre na holding hands sa airplane noong papunta sila sa Isabela, nilinaw ni James na hindi pa rin sila ni Nadine.

‘’Nothing has changed really. We are still friends. We are really close friends now more than ever,’’ sabi ni James sa interview ng ABS-CBN.com.

‘’We’ve been through a lot. It’s been two years. Sobrang dami na pong nangyari, mga challenges, projects and everything. Di ba parang ang weird naman kung hindi kayo magiging close?’’ banggit naman ni Nadine.

Katwiran pa ni Nadine, ‘’Kasi ang katawan ko is always parang nangangalay. I always get tired, namamanhid. No, not namamanhid. Nangangalay ako,’’ dagdag pa ni Nadine.

Si James naman ay consistent sa pagsasabing best friends lang talaga sila.

Kahit na matatapos na ang super trending nilang On the Wings of Love, meron naman silang concert sa Araneta Coliseum on February 20, JaDine Love, kung saan pasabog daw ang kanilang mga production number. Parehong singer ang dalawa kaya hindi lang daw puro pa-cute ang magaganap na concert. Magkakaroon din sila ng world tour.

EDITOR’S TAKE:

Mauuwi rin iyan sa totohanan later on.