Skip to main content

Janice De Belen 'third party' sa Gerald-Maja breakup?

NAKAKALADKAD ang pangalan ng "Oh My G!" actress na si Janice de Belen sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ang dalawang Kapamilya stars ay parehong nakatrabaho ng beteranang aktres sa magkahiwalay na teleserye.

Ang 46 years old na aktres ay gumanap bilang ina ni Gerald sa "Budoy". Siya rin ang ina ni Maja sa "Ina, Kapatid, Anak." Naging malapit siya at sobrang close sa dating magkasintahan.

Hindi pa direktang naglalabas ng kanyang opisyal na reaksyon si Janice hanggang sa mga oras na ito sa isyung nag-uugnay sa kanya kay Gerald. Ang aktor ay mas bata sa kanya ng 20 taon.

Gayunpaman, noong April 21 ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng mensaheng:"Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots."

Ayon sa netizens ay posibleng ito ang reaksyon ng aktres sa mga kumakalat na balita.

Unang nabigyan ng kulay ang closeness nina Janice at Gerald sa seryeng “Budoy” noong 2011-2012 kung saan gumanap sila bilang mag-ina. Noon pa man ay itinanggi na nila ang isyu hanggang magkaroon nga ng relasyon ang aktor kay Maja.

Naungkat ang pagkakaroon ng third party sa pagitan nina Gerald at Maja, at lumabas sa ilang entertainment columns na itinuturo si Janice na dahilan ng hiwalayan nila.

Nasasaktan naman daw at at nao-offend sa paratang na ibinabato sa aktres ang anak nito na si Inah Estrada (anak ni Janice kay John Estrada).

Ayon sa anak ni Janice, “Of course, you know, there will always be people who will have that idea, ‘Ah, there’s maybe something.’ Sila ‘yun, e, and you can’t control people’s mind about things.”

Ang mahalaga raw ay alam mong wala kang ginagawang masama sa kabila ng iniisip ng ibang tao tungkol sa iyo.

Ayon pa kay Inah, hindi nila napag-uusapan ng kanyang ina ang tungkol sa isyu. “No, actually no. We don’t talk about it.”

Inamin naman niya na nakilala niya na nang personal si Gerald. “Yeah, oo naman. Na-meet ko na siya, of course.”

EDITOR’S TAKE:

Hindi pa nagde-deny sina Gerald at Janice dahil hindi pa naman sila, as of press time, tinatanong nang direkta sa mga live entertainment talk shows. May mga tools para itanggi ang mga isyung tulad nito like sa social media, pero ‘ika nga ay we want to hear the truth straight from the horse’s mouth.