Skip to main content

Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson nagkaayos na

February 9, 2016

NAIBAHAGI ni Jodi Sta. Maria sa isang episode ng Tonight with Boy Abunda kung paano sila nagkaayos ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, ang tatay ng anak niyang si Thirdy.

“Maayos po ang aming relasyon, masasabi ko na kahit papaano ay we’re better than before. And sa palagay ko, pareho na talaga kaming nag-mature bilang mga tao and naniniwala ako na iyong pagiging maayos ng aming relasyon bilang magkaibigan eh, grace lang po talaga ni Lord,” pahayag ni Jodi.

Sabi pa niya sa panayam ni Boy Abunda, “It’s not something na pinilit namin, si Lord lang po talaga ang nag-restore ng aming relationship. Nakakatuwa lang na God’s make everything beautiful in his own time.”

EDITOR’S TAKE:

Hindi naman talaga dapat nag-aaway ang mag-ex lalo kung meron silang anak, at meron na uling mga bagong minamahal.