Skip to main content

Kaye Abad at Paul Jake Castillo napag-uusapan na ang pagpapakasal

May 25, 2015

BUSY ngayon sa negosyo ang dating PBB Big Winner na si Paul Jake Castillo. Ang balita ay gusto na niyang paghandaan ang pagpapakasal nila ng aktres na si Kaye Abad.

“Basta no more acting na muna. I’m concentrating on the business. No more taping muna,” ani Paul Jake nang makausap ng press.

Aminado ang binata na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal pero ipinauubaya raw niya kay Kaye ang magiging detalye nito.

“We talked about settling down, pero we’re just talking it slow, no pressure. Siyempre my parents ask me, ‘Kailan na?’ Pero I want to be financially stable muna. If we get married, siya na ang bahala riyan. I just want a simple wedding na intimate lang. I guess walang intimate sa akin kasi ang dami kong friends, eh. Baka magtampo ‘yung ibang kaibigan ko kapag hindi naimbita,” natatawang kuwento pa niya.

Bago naman daw ang pagpaplano sa kasal ay balak muna nila na mag-travel.

“We’re planning to go to Japan and Hawaii. Sa Hawaii kasi I’ll be doing triathlon. I’ve been doing international triathlons and this is happening in late October. Kaye will be running sa trail run. She’ll be getting into training sana as soon as possible pero tumatakbo naman siya. Lately lang no’ng naging kami tumakbo na siya.”

Ang dalawa ay nagsimula munang maging magkaibigan bago naging sila. Katatapos lang ng relasyon ni Paul Jake kay Melissa Ricks, at si Kaye kay Chito Madrigal ng Parokya ni Edgar nang maging friends sila at humantong sa pag-iibigan.

EDITOR’S TAKE:

Suwerte sina Kaye at Paul Jake sa isa’t isa. Marami ang nagsasabing si Kaye ay magiging ideal housewife. Si Paul Jake naman bukod sa pagiging artista ay mahusay sa negosyo kaya magiging good provider. Pareho rin sila ng mga interes. Nasa right age at tamang mindset na rin sila sa pagpasok sa married life kaya maybe it’s about time.