Skip to main content

LizQuen love team plano nang buwagin

October 10, 2015

MATUNOG ang balitang bubuwagin na ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano. Tinatapos na lang daw ang kanilang mga proyekto na magkasama kagaya ng pelikulang Everyday I Love You with Gerald Anderson.

May kinalaman ang pagbuwag umano sa LizQuen sa naganap na insidentee sa eroplano papuntang London kung saan nalasing si Enrique at na-harass nito si Jessy Mendiola. Dahil din dito ay dumistansya na umano si Liza sa ka-love team.

Pero ayon sa isang malapit sa young actress ay key naman daw sina Liza at Enrique  on and off cam pagkatapos ng kontrobersiya.

Sa isang panayam kay Liza ay tinanong din siya kung bakit hindi pa iniiwanan ang ka-love team.

Sambit ng young actress, kilala niya kung sino talaga si Enrique. ”I was with him the whole time. I’m always with him every day. I know who the real Enrique Gil is. I know what happened,” deklara niya.

Nagpapasalamat din si Liza sa ibinibigay na suporta ng fans sa love team nila at hindi rin nagpaapekto sa mga naglabasang balita, at nananatili pa ring solid sa LizQuen.

Pero sinabi rin ng dalaga na open din siya pag binigyan siya ng ibang ka-partner sa ibang project. Hindi rin daw puwedeng stick to one lang dahil baka pagsawaan din sila. Kailangang mag-grow din ang mga career nila at makaranas ng ibang katambal.

Pero sa ngayon ay enjoy pa siyang kasama si Enrique.

EDITOR’S TAKE:

Posibleng totoo na paghihiwalayin sila pansamantala para palamigin muna ang naging isyu kay Enrique, then balik-tambalan uli.