Skip to main content

Love triangle sinisilip sa ambush sa magkalaguyo

May 21, 2015

SINISILIP ang anggulong love triangle bilang isa sa mga motibo kaya napatay ang isang 50 anyos na lalaki habang kritikal naman ang karelasyon nito. Naganap ang insidente noong madaling-araw ng Mayo 19 sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang napatay na si Marvin Allam. Patuloy namang ginagamot sa Milagros District Hospital ang 50 anyos na karelasyon nito na si Charito Ramos.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Cabagan PNP, magkaangkas sa motorsiklo ang magkarelasyon nang harangin at pagbabarilin ng gunman sa harap ng bahay ni Charito.

Hinihintay pa ng pulisya na makapagbigay ng statement si Charito bago nila ipatawag ang mister nito para sa kaukulang pagsisiyasat kung may kinalaman ba ito sa krimen. 


Nakuha sa crime scene ang mga bala ng cal. 45 pistol, at dalawang plastic sachet ng shabu sa bulsa ni Marvin Allam.

Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan ang krimen sa pagpatay sa kamag-anak ni Allam na si Leo Allam na napatay naman ng riding-in-tandem noong Setyembre 2014 sa bayan ng San Pablo.

EDITOR’S TAKE:

Sana’y makaligtas si Charito para mabigyang linaw ang krimen, at malinis naman ang pangalan ng mister niya kung inosente ito sa naganap na insidente.