Skip to main content

Magsyota nag-break bago ang scheduled summer getaway

May 27, 2015

NAGUGULUHAN sa kanyang sitwasyon ang isang nagpapatago na lang sa pangalang Cathy. Sa nakalipas na mga buwan ay nagplano silang magbakasyon ng kanyang boyfriend na si Roy kaya naman nag-ipon siya nang todo at nagpa-book sila sa airline company at sa hotel kung saan sila tutuloy. Dito rin lang sa isang sikat na isla sa Pilipinas ang plano nilang summer romantic getaway.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap—na ayaw niyang idetalye—at naging dahilan iyon para mag-split silang dalawa.

Gusto pa ring ituloy ni Cathy ang bakasyon dahil pangarap niya iyon—bukod pa sa naka-book na nga. Maging si Roy ay gusto pa rin na matuloy iyon.

Ayon kay Cathy, hindi niya alam kung kaya pa niyang makasama sa bakasyon ang kanyang ex lalo pa at hindi na sila okey. Nako-confuse din daw siya kung ano ang mararamdaman na magkakasama sila sa isang lugar na parang sila pa rin pero hindi na. Hindi rin daw kasi siya sure kung gusto pa niyang makipagbalikan kay Roy.

Puwede raw naman silang magkahiwalay ng tutuluyang room, pero ang iniiwasan niya ay madalas na makita ang lalaking sumugat sa puso niya.

EDITOR’S TAKE:

Hindi malinaw kung bakit sila nag-break ni Roy kaya mahirap magbigay ng payo kay Cathy. Pero tama lang na ituloy niya ang bakasyon dahil hindi na niya mare-refund ang air fare at hotel accommodation. Sayang naman!

Awkward nga lang ang sitwasyon na nasa isang isla sila, romantic ang mga scenery pero hindi na nila mapi-feel iyon dahil lumabas na sila sa kanilang relasyon.

Maraming “what ifs?” ang posibleng maganap.

Ang magkausap sa isla sina Cathy at Roy at muling magbalik sa “couple mode”.

Puwede rin na isa sa kanila ang may maka-fling sa lugar na iyon. Ano ang mararamdaman nila sakaling makitang masaya ang isa sa company na ng iba?

Ito ang mga kailangang paghandaan ni Cathy sa sarili niya. Hindi siya makagagawa sa ngayon ng concrete plans pero puwede siyang mag-anticipate ng maraming senaryo para alam niya kung paano ilalagay ang sarili sakaling maganap ang mga nabanggit na sitwasyon.