Skip to main content

Mahilig sa sex topic ang younger sister ng GF niya

July 27, 2015

NAGING girlfriend ni Juancho, 28, si Irish, 24. Minsan ay ipinakilala siya nito sa mga kapamilya. Naramdaman niyang masyadong at ease agad sa kanya ang younger sister nito na si Erika, 18.

Minsang dumalaw siya kay Irish at habang hinihintay niya ito sa salas ay nagkuwentuhan sila ni Erika. Nagulat siya nang itanong nito kung nagse-sex na raw ba sila ng kapatid nito. Marami ring naging tanong si Erika tungkol sa sex—at hindi naman siya sumasagot.

Na-off siya sa sitwasyon considering na kapatid nito ang girlfriend niya. Bakit ito naging curious kung nagse-sex ba sila ng kapatid nito, at kung bakit ito masyadong at ease sa sex topic.

Kailangan daw ba niyang sabihin kay Irish ang natuklasan kay Erika?

EDITOR’S TAKE:

Mabuti naman at hindi gaya ng ibang lalaki ay maginoo si Juancho. Kung sa iba-iba lang, sasakyan na tiyak ang trip ni Erika.

Humanap siya ng tiyempo kung kailan sasabihin kay Irish ang natuklasan niya kay Erika. May mga kabataang babae kasi talaga na medyo open pagdating sa talakayan tungkol sa sex lalo sa panahon ngayon. Nakaka-off lang talaga kapag future sis-in-law ang magtatanong ng ukol doon.

Kapag nagtanong uli sa kanya si Erika ay puwede namang payuhan ito ni Juancho na ang ganoong sensitibong bagay ay hindi basta-basta pinag-uusapan. Sabihin din niya na mas maraming interesting na creative activities ang isang teenager na puwedeng pag-ukulan ng interes bukod sa sekswalidad.