Skip to main content

Mailap kay Kris Aquino si Mayor Herbert Bautista

October 12, 2015

SI Quezon City Mayor Herbert Bautista ngayon ang sinisisi ni Kris Aquino kung bakit nito tinalikuran ang proyektong dapat sana’y pagtatambalan nila bilang entry sa MMFF.

Kung anu-ano pang katwiran ang ibinigay ni Kris na kaya hindi raw nito makakasama ang isang cinematographer sa pelikula, ito raw kasi ang nag-aalaga sa kanyang mga anggulo, kaya dahil hindi puwede ang cinematographer ay basta na lang binitawan ng aktres-TV host ang pelikula.

Nabulabog ang Star Cinema. Nagtangka si Kris na kausapin ang film outfit kasama ang kanyang mga kapatid, pero nakatanggap sila ng abiso na huwag nang tumuloy dahil hindi na nila kailangan pang mag-meeting para resolbahan ang kanilang problema.

Pero nagbago na naman ng dahilan si Kris, si Mayor Herbert ang isinangkalan nito sa pagtalikod sa proyekt--na hindi pa rin ito handang makasama ang aktor-pulitiko sa pelikula.

Last year pa pinagpistahan ang kanilang naudlot na relasyon pero hanggang ngayon pala’y isyu pa rin ‘yun para kay Kris.

Mailap kay Kris si Bistek. Marami siyang naakit na kalalakihan pero hindi ang mayor ng QC.

Napintasan naman ng ilang taga-media si Bistek nang sabihin nitong kaya hindi ito sumama sa LP senatorial ticket ay dahil si Kris lang ang may gusto na mag-senador na ito, pero umatras nga nang medyo umasim na ang kanilang samahan at tatakbo na lang uling meyor. Ayon sa mga taga-media, kung kakandidato si Bistek ay dapat na bukal sa loob niya at hindi dahil sa udyok lang ng isang babae.

Sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang pumalit kina Kris at Bistek sa movie project.

EDITOR’S TAKE:

Ang relasyong Kris-Bistek ay hindi matuluy-tuloy dahil hinog lang sa pilit.