Skip to main content

Malaki na ang puson, hindi na naeelya ang mister niya sa kanya

November 28, 2015

TWELVE years nang kasal sina Aubrey at Leo. Noong una silang magsama ay medyo mahiyain daw sa sex si Aubrey, pero nang magtagal ay siya na ang naging mainit.

Ngayon daw ay bihira na silang mag-sex ni Leo. Madalas ay siya pa ang nangangalabit dito. Kung anu-ano rin daw ang ginagawa niya sa mister para mag-init ito sa kanya pero parang walang effect.

Kamakailan ay sinabi raw sa kanya ni Leo na medyo “nagsasawa” na ito sa kanya at hindi na naeelya lalo pag nakikita ang malaking puson ni Aubrey. Sa isip-isip daw niya, pareho lang sila ng nararamdaman dahil may beer belly na ito pero mag-asawa sila, tumatanda na at bahagi iyon ng pagiging kasal nila.

Alam daw ni Aubrey na mahal na mahal siya ni Leo pero hindi na niya mapaanghang na mag-isa ang kanilang sex life dahil ‘ika nga, it takes two to tango.

Dumarating daw siya sa point na seryosong kinukonsidera niya na tumikim ng ibang lalaki para lang ma-satisfy siya.

Matapat siya kay Leo at sinasabi niya rito ang nararamdaman. Nangako raw ito na gagawa ng effort, pero hindi naman tinutupad.

Naguguluhan na raw si Aubrey.

EDITOR’S TAKE:

Nauunawaan natin ang sexual needs ni Aubrey. May mga babaing kung kailan nagkakaedad ay saka nagiging mainit sa sex.

Ano kaya kung alisin muna niya ang emphasis sa sex at subukan niyang buuin muli ang koneksyon at intimacy sa pagitan nila ni Leo?

Mag-date uli sila, kumain sa labas, manood ng sine. Malay natin na ang ganitong romantic angle ay humantong uli sa kama.

Kailangan ang maraming sakripisyo para masagip ang marriage for better and for worse—kahit pa malaki na ang puson ng babae at parang patatas na ang korte ng katawan ng lalaki.

Kailangan na handa ang mag-asawa sa mga pagbabago sa kanilang katawan sa pagtanda. Pero hindi lang katawan ang basehan para mawala ang gana sa sex. Mas malalaking factors ang love and commitment—and wanting to connect with that person you love.