Skip to main content

Malaysian na misis nailigtas sa abusadong Pinoy na mister

May 21, 2015

KAKASUHAN ang isang mister na taga-Barangay Baliwasan, Zamboanga City matapos na  ireklamo  ng pambubugbog ng kanyang misis na Malaysian.

Dinakip ng mga awtoridad si Datu Dakula, 23 anyos, kilala rin sa alyas na “Asibi”. Nailigtas naman sa pananakit niya ang misis na si Munira Ali Mohamed.

Sa ulat ng pulisya, nagsumbong si Munira sa kanyang pamilya sa Sabah hinggil sa pananakit sa kanya ng mister at humingi naman ng tulong ang mga ito sa Malaysian government. Umaksyon ang embahada ng Malaysia sa Maynila at humingi ng tulong sa mga awtoridad sa Zamboanga kaya nai­ligtas ang babae mula sa mapang-aping mister.

Nagkakilala  umano ang dalawa sa Sandakan at doon ikinasal noong 2013 pero sa Zamboanga City nanirahan ang mga ito.

Hindi pa malinaw sa pulisya kung bakit sinasaktan ni Dakula ang kanyang misis dahil iniimbestigahan pa ito.

Balak naman ni Munira na bumalik na sa Sandakan at iwan na ang abusadong mister na Pinoy.

EDITOR’S TAKE:

Usually sa mga balita, ang madalas nating mabasa o marinig ay ang pang-aapi ng dayuhang mister sa misis na Pinay. Sa kasong ito ay baligtad, ang Pinoy na mister naman ang nananakit.

Ang kalimitang dahilan ng ganitong away ay cultural differences. It seems na hindi naging sapat ang pagmamahalan ng dalawa para maigupo ang anumang pagkakaiba nila sa kultura, wika at mga tradisyon. Posible ring bayolente lang talaga ang mister na Pinoy.