Skip to main content

Mapagbigay siya sa mga nakakarelasyon

September 4, 2015

TWENTY-EIGHT years old na si Paula at hindi pa nagkakaroon ng seryosong relasyon. May mga naka-fling siya na ilang buwan lang ang itinatagal. Ilan sa mga ito ang aminado siyang naka-sex niya.

Hindi naman daw niya pinagsisisihan iyon. Pero nang makilala niya si Randy, 25 years old, ay saka siya nakaramdam na sana pala ay hindi siya naging masyadong mapagbigay sa mga nakarelasyon.

Napag-uusapan daw nila ni Randy ang kanilang mga nakaraang relasyon. Ayon dito ay nakapito itong girlfriend. Sa isip-isip ni Paula ay mas nakarami pala siya kaysa rito.

Nakahiyaan niya na magsabi ng totoo kay Randy kaya nagsinungaling siya at sinabing dalawa lang ang naging BF niya.

Nahihiya siya sa sarili na kinailangan pa niyang magsinungaling kay Randy. Pero may pakiramdam daw si Paula na ang binata na ang “the one” para sa kanya at ayaw niyang isipin nito na isa siyang babaing pakawala at hindi nagseseryoso sa relasyon kaya itinago niya rito ang katotohanan.

Tama raw kaya ang ginawa niyang pagsisinungaling kay Randy?

EDITOR’S TAKE:

Sa panahong ito, kailangan pa bang pag-usapan kung ilan ang naging ex at nakasiping sa kama?

Si Randy ang unang nagbukas ng usapan tungkol sa mga naging ex at kung ilan. Sa ating palagay, tama lang na hindi nagsabi ng totoo si Paula. Gaano ba siya ka-sure na totoo rin ang sinabing bilang ni Randy? Baka naman dinamihan lang nito para isipin ni Paula na lapitin pala ito ng mga babae.

Ang mahalaga sa ngayon, kung “the one” na ang pakiramdam ni Paula kay Randy ay huwag na siyang mag-entertain ng ibang suitors para magkaroon ito ng tiwala sa kanya. Pilitin din niyang disiplinahin ang sarili na huwag agad isuko ang katawan dito. Baka kasi ito naman ang hindi pala seryoso sa kanya at plano lang siyang tikman.