Skip to main content

May 'putok' ang boyfriend niya

July 28, 2015

ATTRACTED agad si Leni kay Josh nang una silang magkakilala. Nagsimula silang mag-date hanggang maging sila.

May naoobserbahan si Mari tuwing sasakay siya sa kotse ni Josh. Parang may hindi mabango kahit pa may air freshener ang kotse.

Minsan na nanood sila ng sine ay medyo nagkalambingan sila. Habang yakap-yakap niya si Josh ay natuklasan niya kung ano ang “mahiwagang amoy” sa kotse nito. May “putok” pala ang kanyang boyfriend, at nalanghap niya iyon nang mag-kiss siya sa bandang under arm nito.

Turn-off pa naman daw si Mariz sa mga taong may putok. Malinis sa katawan si Josh, at sure siya na naglalagay ito ng deodorant dahil naaamoy naman niya bukod pa sa mamahalin ang pabango nito. Pero once na nagpawis ito, lumalabas ang katotohanan.

Mahal niya si Josh pero parang hindi kaya ni Leni na kung sakaling ikasal sila ay habambuhay na parusa sa kanya ang putok nito.

Nanghihingi siya ng opinyon.

EDITOR’S TAKE:

Kung okey ang hygiene ni Josh, tiyak na sa pagkain nito nakukuha ang kakaiba nitong amoy. Obserbahan dapat ni Leni ang mga kinakain ng BF niya at pabawasan niya ang mga masyadong maaanghang.

Puwede ring nasa paraan ng paglalaba ng mga damit na isinusuot nito. Baka ang ginagamit na detergent ay hindi maganda ang nagiging reaction sa pawis nito. O kaya ay sa deodorant.

Nagagamot naman ang ganitong disorder at may mga clinic na body odor ang specialization. Ang problema lang ni Leny ay kung paano niya mayayaya roon si Josh.

Magparamdam din siya rito na naaamoy niya ang sikreto nito. Halimbawa ay regaluhan niya ng ibang deodorant. Alam din naman tiyak ni Josh ang mali sa katawan nito kaya mababasa nito kung ano ang ibig sabihin ng regalo ni Leni. From there, lalo itong mako-conscious na maging maingat sa kili-kili nito.