Skip to main content

May 'something' na kina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga?

NAGLABASAN kamakailan sa mga tabloid ang balitang may “something” na sa pagitan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Marami ang nagulat dahil ang alam ng lahat ay engaged na ang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pero noong April 22 ay naikuwento ni Kris sa show nila ni Boy Abunda na “Aquino and Abunda Tonight” na inamin sa kanya ni Erich na wala na ito at ang kanyang long-time non-showbiz boyfriend.

Ani Kris, “Tinanong ko, diretsahan na tanong (kay Erich), sinabi ko, 'Are you still in a relationship right now? Because the last time na nagpo-promote ka ng finale ng ‘Two Wives’ sa ‘The Buzz,’ sinabi mo you're in a four-year relationship. Does that still hold true now?’”

Ang sagot daw ni Erich, “No more, Ate.”

Sinabi pa ni Kris na okey naman daw si Erich na nakakasama niya palagi sa morning show na “Kris TV.”

“She (Erich) is not in pain and she does not want to cause anybody any pain.”

Mainit namang tsika sa loob at labas ng showbiz na nasa “dating stage” na sina Erich at Daniel. Ang Brazilian-Japanese hunk na naging PBB Big Winner ay madalas ding guest sa “Kris TV” at nakakasama ng aktres sa mga episodes ng show.

Sinasabing naging close sina Erich at Daniel sa seryeng “Two Wives.” Sa show naman ni Kris nabuo ang “love team” nila na “DanRich”.

Base sa posts sa social media nina Erich at Daniel ay mukhang lagi na silang magkasama. May mga photos din na kasama ng dalawa ang pamilya ng actor-model.

Naikuwento rin ni Kris na hindi naman pala naging “engaged” si Erich sa ex-boyfriend nito, taliwas sa mga naibalita noon.

“She has never been engaged. Never,” paglilinaw ni Kris. “Klaruhin po natin na noong nag-guest siya, Kris TV was still bago and we were still in the studio,” pagtukoy ni Kris sa guesting ni Erich sa kanyang morning talk show noong November 2012.

“We had a baking session that time, na meron siyang Mario Maurer [film project] and she had a diamond solo ring. And tinanong ko if that was an engagement ring, and she said no, it was not. It was a gift, a promise ring, parang ganoon, but not an engagement ring.”

Sabi pa raw ni Erich kay Kris na, “Ate, magmula nang time na 'yon (na binigyan siya ng dating BF ng ring), nag-speculate na sila (ang mga tao) and inisip nila na totoo (engaged na sila ng dating BF).'”

Apat na taon din ang itinagal ng relasyon ni Erich sa kanyang ex-boyfriend.

Si Daniel naman ay huling naging karelasyon si Heart Evangelista.

EDITOR’S TAKE:

Parehong single sina Erich at Daniel kaya walang problema magkagustuhan man sila. Maganda na rin na nilinaw ang isyu na hindi naging engaged si Erich sa kanyang ex-boyfriend para hindi naman siya mapagbintangan na taksil at tumatakas sa relasyon. Maganda si Erich, guwapo si Daniel at mukhang enjoy sila sa company ng isa’t isa. Lovely pair.