Skip to main content

Misis nakipag-sex sa biyenang lalaki, nahuli ni mister

July 6, 2015

GAYUN na lamang ang panlulumo ng isang mister nang mahuli sa akto na nasa kama at nagse-sex ang kanyang misis at ang kanyang ama sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sa ulat ni Aklan police provincial office director Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., bandang alas nuwebe ng umaga, July 4, nang maisipang umuwi muna mula sa pagsasaka sa isang palayan ng mister na itinago sa pangalang Marlon, 40 anyos, upang mag-almusal dahil nakalimutan niyang kumain ng agahan bago magtungo sa bukid. Umalis umano siya sa kanilang bahay bandang alas singko ng umaga.

Nagtaka si Marlon pagdating sa kanilang bahay dahil wala sa kanilang bakuran ang kanyang misis na itinago sa pangalang Jelyn, 47 anyos. Ang kanilang limang anak lamang ang naglalaro sa bakuran na kadalasan ay binabantayan ng kanilang ina.

Hinanap niya ang asawa sa kusina hanggang sa likurang bahay pero hindi ito nakita. Nang bumalik siya sa loob ng bahay ay doon na niya narinig ang mga halinghing mula sa kanilang kuwarto.

Kinutuban si Marlon na may ibang lalaking kaulayaw ang asawa at pagsilip niya sa loob ng kuwarto ay laking gulat niya nang makitang ang kanyang ama pala na itinago naman sa pangalang Diego, 63 anyos, ang katalik ng kanyang misis.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto at dito na nagmamadaling nagbihis ang magbiyenan at mabilis na tumakas.

Nagtungo naman si Marlon sa himpilan ng pulisya hindi para magsampa ng kaso laban sa kanyang asawa at ama kundi dahil nag-aalala umano siya na gabi na ay hindi pa umuuwi ang mga ito.

EDITOR’S TAKE:

Napakagiting ni Marlon na sa kabila ng ginawa sa kanya ng misis at ng kanyang ama ay kaligtasan pa rin ng mga ito ang una niyang inisip kaysa maghiganti sa mga ito.

Pagsisisihan ng kanyang misis ang ginawang pagtataksil sa kanya.

At ang kanyang ama, hindi natin alam kung anong uri ng ama ang kayang kataluhin ang sariling anak.

Isang pamilya na naman ang masisira dahil sa karupukan, pero sana ay maisalba ni Marlon ang kinabukasan ng kanyang mga anak kahit hiwalayan niya ang kanyang asawa.