Skip to main content

Mommy ng dalaga sa nakilalang binata: 'I'm your future mother-in-law'

UNANG nakilala ni Steven ang mommy ni Alexandra. Sabi ng ina nito ay ito raw ang kanyang future mother-in-law. Natawa lang si Steven.

Ayaw namang makilala ni Alexandra si Steven, kaya ang mommy niya at ang daddy ni Steven ang gumawa ng paraan na magkita sila.

Ayon kay Steven, nagpakilala ang mommy ni Alexandra sa kanya ng ganito: “It’s a pleasure to meet you. My name is Nadia, and I’m your future mother-in-law.” Natawa raw siya dahil ni hindi pa niya nakikita si Alexandra.

Kuwento naman ni Alexandra, “My mom had been diagnosed with breast cancer in 2001. She had lost her health insurance and had to sell our house to pay for treatment. So she rented a house that Steven’s dad owned. They found out that they both had single kids in their 20’s, and they decided that we were perfect for each other. My mom invited Steven to dinner, and the second I found out about it, I said, “Call him up and disinvite him! You’re not setting me up!”

Nalungkot naman daw si Steven nang malamang ayaw siyang makita ni Alexandra. Nakita na kasi niya ang picture nito, at aniya, “I was, like, ‘Wow, she’s really cute! I would love to get to know her.’”

Ang mga parents nga raw nila ang gumawa ng paraan. “They concocted this story: My father wanted me to help him move stuff out of his rental property. So I was taking apart my sister’s playground set that had been there for years upon years, and then her mother pulled up with her,” ani Steven.

Dagdag ni Alexandra, “Mom got Steven to help her move, too, so we spent a week together — long, long hours.”
Para ma-frustrate daw si Steven ay inimbita ni Alexandra ang ex-boyfriend niya para ito ang tumulong sa kanila at pinauuwi na ang inirereto ng ina. Pinigilan naman daw si Steven ng kapatid ni Alexandra.

Kung umuwi raw siya noon, alam ni Steven na hindi na siya babalik.

Nagkaroon naman daw si Alexandra ng pagkakataon na maikumpara si Steven sa kanyang ex-boyfriend. Later on ay na-realize niyang mas gusto na niya si Steven kaysa sa kanyang ex.

Makalipas ang isang linggo ay nagsimula na silang mag-date. Six months later, magkasama na silang nanirahan sa New York.

Matagal nang sumakabilang buhay ang mommy ni Alexandra, at wala na rin ang ama ni Steven. Para sa dalawa, ang kanilang parents ang naging tulay nila sa kanilang romansa. July 18, 2008 nang ikasal sila.

Nangako naman daw si Steven sa mommy ni Alexandra na lagi niyang mamahalin at aalagaan ang anak nito.

At kung may gusto raw namang sabihin si Alexandra sa ama ni Steven, “I would tell him that I’m the luckiest girl in the world. I would never let you out of my grip. Ever.”

Sa ngayon ay si Steven ang namamahala sa accounting firm na minana niya sa kanyang lolo. Tinapos naman ni Alexandra ang kanyang PhD program sa biology sa Columbia University. Madalas silang dumalaw sa bahay sa northern New Jersey kung saan sila unang nagkita at na-in love sa isa’t isa.

EDITOR’S TAKE:

Mahiwaga ang buhay. Alam ng daddy ni Steven at ng mommy ni Alexandra na kokonti na ang nalalabi nilang oras sa mundo, at sa panahong iyon ay naghahanap na sila marahil ng tamang katuwang para sa kani-kanilang anak.

Sa pagtatagumpay ng romansa nina Steven at Alexandra, masayang-masaya tiyak ang kani-kanilang parents na nag-set up sa kanila saan man ang mga ito naroroon, realizing that their scheme did pay off.