Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

My Pretty Photobomber (Part 22)

Nobela ni KC CORDERO

(Ika-22 labas)

NAG-USISA si Storm kay Lorde tungkol sa boyfriend nito habang nasa loob sila ng tea house.

Huminto sa pag-inom si Lorde. Naisip niya, okey na nga sigurong mag-share siya kay Storm. Kailangan din naman niya talagang mag-unload kahit paano ng emotional baggage kahit pa bago lang niya itong kakilala. After all, nararamdaman niyang masaya naman siya kapag kasama ito.

Gaya ngayon...

At hindi lang basta masaya, masayang-masaya...

Kanina nga nang itulak siya ng mga kaibigan at napadikit siya kay Storm ay may hindi maipaliwanag na damdamin siyang na-feel. Na para bang isa itong matibay na balikat na puwede niyang sandalan anumang oras.

“Magkukuwento ako pero promise me one thing,” tumingin siya kay Storm. “No jokes muna, ha? It’s a very serious matter and very painful for me.”

“Promise,” nag-cross fingers si Storm. “Go...”

Huminga nang malalim si Lorde at ibinahagi kay Storm ang nakaraan nila ni Martin. Walang labis-walang kulang.

Seryoso namang nakinig ang binata.

Nang matapos ni Lorde ang kuwento ay hindi rin napigilan ng dalaga na malaglag ang luha. Again, maagap na inabutan siya ni Storm ng tissue paper.

Maya-maya ay ngumiti ang dalaga. “Ang drama queen ko, ano?”

Hindi sumagot si Storm. Ewan pero bigla niyang hinawakan ang mga kamay ng dalaga at pinisil-pisil iyon.

At hindi naman malaman ni Lorde kung bakit hinayaan lang niya ang binata sa ginagawa nito!

Saglit pa at pauwi na sila. Nang nasa bukana na sila ng Kalye Pagmamahalan ay sinabi ni Lorde na sa harap na ng bahay ni Lola Tale mag-park ang binata at maglakad na lang sila. Hindi alam ni Storm kung bakit ganoon ang gusto ng dalaga pero sinunod niya ito.

Pagbaba nila ay inalalayan niya si Lorde. Gabi na pero sa labas ng bahay ni Lola Tale ay nakita ni Storm na nagkukuwentuhan ang matandang babae at si Chairman Gerry. Mukhang sinumpong ng senior moments ang dalawa at hindi agad dalawin ng antok, naisip niya.

Naglakad na sila ni Lorde. Nang mapatapat sila sa dalawang matanda ay nagmagandang gabi si Storm sa mga ito.

“Lovely couple!” bulalas ni Lola Tale. “At girlfriend mo na pala ang magandang dilag na ito. Bagay na bagay kayo.”
Wala silang reaction ni Lorde maliban sa tahimik na ngiti. Nang mapatingin naman si Storm kay Chairman Gerry ay nanibago siya sa pilyong ngiti nito na para bang may alam ito na hindi niya alam.

Habol sila ng tingin ng dalawang matanda habang naglalakad.

Pagdating nila sa tapat ng bahay nina Lorde ay nagsabi itong hindi na siya mapapatuloy at gusto muna nitong magpahinga. Okey lang, aniya. Kinumusta niya si Peanut, malaki na raw. Next time ay ipakikita sa kanya.

Pinisil niya itong muli sa kamay at nagpaalam na matapos ang isang sobrang caring na, “Ingat...”

Tumango ang dalaga at pumasok na sa loob.

Nang nasa bahay na si Storm ay nahulog siya sa malalim na pagmumuni-muni. Bukod sa naiinggit siya kay Martin dahil ito ang first real love ni Lorde, humanga rin siya sa mga achievements ng dalaga. Sa murang edad nito ay nakabili ng sariling bahay mula sa sariling pawis at pagsisikap. May plano rin agad sa pagnenegosyo. Para bang alam na alam nito ang direksyon na gustong tahalin.

Samantalang siya na older dito ng two years ay wala pang naipupundar, easy going kahit pa may magandang trabaho. Ni wala siyang career plan. Malaking bahagi ng oras niya ay nauubos kay Aria—na hindi naman niya tiyak kung magiging kanya. Unti-unti niyang nare-realize na na-friendzoned lang yata siya ni Aria.

Bigla siyang na-inspire dahil kay Lorde. Naisip niya, ano kaya kung magtayo siya ng sariling coffee shop?

Puwede!

Hmm, sa mga darating na panahon, gagawin na niya ang business plan.

At mas masaya kung ito ang magiging business partner niya.

Binuksan niya ang kanyang MacBook. Nag-log in sa Facebook. Ginawa niyang profile picture at cover photo ang larawan niya kung saan photobomber si Lorde.

Pinigilan niya ang sarili na mag-text kay Lorde dahil baka nagpapahinga na ito at makulitan na naman sa kanya. Dahil pagod, agad din siyang nakatulog matapos ang light dinner.

Samantala ay hindi dalawin ng antok si Lorde. Nang mapagod sa pakikipaglaro kay Peanut ay binuksan niya ang kanyang iPad at nag-FB. Nakatuwaan niyang hanapin ang FB account ni Storm. Pag-search niya ng Joaquin Cabaguio ay agad naman niyang nakita.

At na-shock siya sa nakitang profile pic at cover photo nito...

Ang binata habang nakaharap sa kung sino man ang kumuha ng picture, habang nasa likod siya sakay ng kanyang folding bike at nagpapakyut!

Photobombing moment to the highest degree!

“What?” bulalas ni Lorde at napahalakhak. “May gano’n?!”

Madalas naman niyang gawin na mag-photobomb pag nasa mood siya, pero itong kay Storm ay hindi niya akalain na magkakakilala pala sila later on. Maging siya ay hindi makapaniwala sa magiging consequence ng eksenang ito.

Medyo restricted ang account ni Storm pero may ilang puwedeng mabasa sa timeline nito ang hindi nito friends. Ang pinakahuling status update nito ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay ganito:

“Maybe it's just hiding somewhere. Or gone on a trip to come home. But falling in love is always a pretty crazy thing. It might appear out of the blue and just grab you. Who knows — maybe even tomorrow.”

― Haruki Murakami, Sputnik Sweetheart

Napangiti si Lorde. Siya kaya ang tinutukoy ni Storm na pag-ibig na baka dumating na rito kahit bukas?

Sinabunutan niya ang sarili. Masyado siyang nagiging assuming.

Nag-browse pa siya ng ilang status ng binata. Isa ang nabasa niya na ganito ang nakasulat: “Finally found you, pretty photobomber. Awesome!”

Kinilig si Lorde. Paulit-ulit niyang binasa iyon. Kapagkuwa’y binusog naman niya ang mga mata sa kaguwapuhan nito sa pamamagitan ng pagba-browse ng photos sa mga albums nito.

Nag-contemplate din siya kung magse-send ng friend request rito. Bandang huli ay nagpasya siyang huwag na lang. Ii-stalk na lang niya ito online.

At minsan ay sosorpresahin!

Masayang-masaya siyang nahiga para matulog at nag-wish na sana’y mapanaginipan niya si Storm!

 

SUBAYBAYAN!