Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

My Pretty Photobomber (Part 24)

Nobela ni KC CORDERO

(Ika-24 na labas)

SA wakas ay nasabi ni Storm kay Aria na hindi na niya ito maihahatid lagi at masusundo sa mga gimik nito dahil he’s dating somebody na. Natuwa naman si Aria sa nalaman na may nililigawan na ang binata, and looking forward daw ito na makilala si Lorde.

Saglit pa, natapos na ni Lorde ang workout nito. Napansin na lang ni Storm na nakakapit ito sa braso niya habang palabas ng workout room. Kung titingnan ay parang sila na—kahit hindi pa.

He couldn’t be happier. Sana’y maraming araw na tulad nito ang dumaan pa sa buhay niya.

Nila ni Lorde...

                                                          **

NAGPATAWAG ng miting sa kanilang barangay si Chairman Gerry. May gaganapin daw na get-together ng magkaka-barangay para naman sumaya ang kanilang lugar tutal ay tatatlong kalye lang naman sila. Nagbuo ng mga komite. May kasayahan at kainan. Gusto nito ay may program na mala-ASAP ang dating. May sayawan at kantahan. Lahat ay kailangang mag-participate.

Nag-volunteer si Lorde na sasayaw.

“O, ikaw, binata?” tanong kay Storm ni Chairman Gerry.

“Kakanta po ako,” sagot niya.

Napahalakhak ang dalaga. Halakhak na mapang-asar siyempre. Magkatabi sila noon sa upuan. “Kumakanta ka ba? Baka biglang umulan, ha” biro nito sa binata.

“Bahala na. Di naman ako puwedeng sumayaw, pagtatawana mo lang ako.”

Lalong napahalakhak si Lorde. “Baka pumiyok ka, ha? Itatanggi ko na kakilala kita.”

“Kita mo na, ngayon pa lang ay natatawa ka na?”

Lihim uling napangiti si Chairman Gerry sa ginagawang harutan nina Lorde at Storm, at napa-English na naman sa sarili. “So cheesy these kids!”

Nai-set ang date ng event sa araw ng Linggo dahil halos lahat ay walang pasok. Umaasa ang barangay council na magiging matagumpay ang event sa tulong ng mga residente.

 Masigla ang buong barangay nang sumapit ang okasyon. May street food festival at kabi-kabila ang stall ng mga tusuk-tusok. May parlor games para sa mga bata at senior citizens. Dahil buong barangay ang naki-cooperate ay napakasaya ng paligid.

Nang gumabi na ay sinimulan na ang program. Matapos ang ilang performances na medyo nakakaantok ay tinawag na si Lorde para sa dance number nito.

Napaka-sexy ng dalaga nang umakyat sa stage. Maging si Storm ay nalaglag ang panga sa paghanga rito. Naka-Lady Gaga attire ito na kita ang mga curves at nagyayabang ang mahahabang legs. Nang magsimula itong sumayaw to the tune of Beyonce’s medleys, nabuhay ang dugo ng marami—lalo na ng mga kalalakihan. Nagkaroon bigla ng energy ang kalye.

Gustong magselos ni Storm at mapikon sa mga lalaking sumisipol sa pag-indak ni Lorde pero pinigil niya ang sarili for the spirit of fun. Sabagay, sino ba namang hindi magre-react kung ganito kahusay at ka-hot ang performer?

Natapos ang number ni Lorde. Nang tumabi ito sa kinauupuan niya ay nakabihis na ito ng T-shirt at pantalon.

Biniro niya ito. “Baka dumami ang karibal ko sa ‘yo. Na-expose ka sa mga binata rito sa atin.”

Nagulat siya sa sagot nito. “Ah, nanliligaw ka ba sa akin? Hindi ko alam ‘yun, ah.”

Natigilan si Storm.

Oo nga pala, wala pa nga pala siyang naaalala na nai-express na niya kay Lorde ang kanyang feelings. Mga banat lang, mga hugot ‘ika nga, pero baka ang akala nito ay hindi naman siya seryoso. Hindi pa siya nag-“I love you” man lang dito kahit sa text.

Matagal siyang hindi nakapag-react.

Natapos ang duet ng dalawang senior citizen na nasa stage na nakalimot ng lyrics. Nagbiro ang baklang host na sana raw next time ay iinom ng gamot sa memory gap ang dalawa pag may time. Tawanan ang lahat.

Tinawag na ng baklang host si Storm. Pag-akyat ng binata sa stage ay agad nagpa-cute ang host sa binata.

“Ang guwapo ni Sir. Puwedeng-puwedeng maging pambansang heartthrob. Ano po ang name ninyo?”

“Storm...”

“Ay, natangay ako ng storm!” pagbibiro ng bakla at payakap na sumandal sa binata.

Tawanan ang mga nanonood.

Si Lorde, napasimangot!

 

SUBAYBAYAN!