Skip to main content

Nasaan si Dalia?

 

ISA sa mga kontroberyal na kaso ang pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor. Isa sa mga suspek ang kanyang misis na si Dalia Guerrero Pastor, 28, ngunit mula nang maganap ang krimen ay hindi pa nakikita ang babae.

Love triangle ang sinisilip na anggulo sa pagpatay kay Enzo. Sinasabi sa mga ulat na may relasyon si Dalia sa negosyanteng si Domingo "Sandy" De Guzman. Sa testimonya ng mga kasmbahay ng mag-asawa ay sinasabing may “sexual realtionship” ang dalawa at madalas magkita kapag nasa labas ng bansa si Enzo.

Ang dalawa diumano ang nagplano para mawala sa landas nila ang mister ng babae, batay na rin sa naging salaysay ng nahuling gunman na si PO2 Edgar Angel na siya umanong inutusan ni Sandy para itumba si Enzo. Naganap ang krimen noong June 13, 2014 sa panulukan ng Visayas Avenue and Congressional Extension Avenue on June 13, 2014. Sa isang affidavit na ipinadala sa NBI ay itinanggi ng babae ang kaugnayan sa krimen.

Kamakailan ay nagpalabas na si Quezon City Regional Trial Court-Branch 91 Judge Lita S. Tolentino-Genilo ng warrant of arrest para kay Dalia

Nangako naman ang Quezon City Police District sa itinuturing na ngayong wanted na si Dalia na malapit na nila itong madakip.

Sinabi ni QCPD chief, C/Supt. Joel Pagdilao, bukod sa inumpisahan na nila ang manhunt operation ay bumuo na rin sila ng tracking team para malaman kung saan nagtatago si Dalia.

Nag-post na rin anila sila sa kanilang social media accounts ng mga numerong pwedeng mag-send ng text message o tawagan sakaling may impormasyon ang publiko sa kinaroroonan ni Dalia.

Kasalukuyan na ring nasa watch list ng Bureau of Immigration si Dalia at nakatakda na ring magpa­labas ang Department of Justice ng hold departure order kontra rito sa darating na mga araw.

May mga nagsasabi naman na nakalabas na ng bansa si Dalia.

EDITOR’S TAKE:

May kasabihan: “Flight is an admission of guilt.”