Skip to main content

Natakot ang GF niya sa sobrang intimate nila

November 25, 2015

TWO years nang exclusively dating sina Joel at Anna. Mahal nila ang isa’t isa at iniisip nilang sa marriage na mauuwi ang kanilang relasyon.

Pareho pa lang silang 21 years old pero malinaw na sa kanila ang kanilang pagmamahalan. Ayaw nilang magmadali sa pagsasabi sa kani-kanilang parents tungkol sa kanilang plano. Close ang kanilang mga pamilya bagaman at akala ng mga ito ay magkaibigan lang sina Joel at Anna.

Nagkaroon ng problema nang maging physically close ang dalawa. Sa umpisa ay yakapan lang sila, hanggang aminin ni Anna na gusto nitong humigit pa roon ang kanilang intimacy!

Naganap ang kanilang first kiss after a year of dating. Gayunpaman, ayaw nang lumampas pa roon ni Anna ang kanilang intimacy. Nagsisisi raw ito at nahihiya na nag-request noon kay Joel na maging agresibo sila. Hindi raw alam ni Joel kung bakit biglang naging ganoon ang mindset ni Anna.

Akala raw niya ay gusto nito na naghahalikan sila at nagyayakapan nang mahigpit dahil may mga pagkakataon na halos mapisa siya sa yakap nito noong una. Ngayon ay nahinto na rin kahit ang simpleng yakapan nila—at hindi nila alam kung bakit.

Nag-aaway na rin sila ngayon tungkol sa sobrang intimacy nila noon. Inamin ni Joel na dati ay dumating sa punto na nagyakapan na sila ni Anna na pareho silang hubad.

Bakit daw kaya parang nagkaroon ng negative feelings sa kanya si Anna? Ayaw raw niyang mawala ito sa buhay niya kaya hindi niya malaman ang gagawin.

EDITOR’S TAKE:

Kung seryoso sina Joel at Anna sa kanilang relasyon ay dapat nilang i-address ang kanilang problema.

Posibleng may nakaraan si Anna na gusto na nitong kalimutan na ngayon ay nagbibigay ng takot dito dahil sa intimacy nila ni Joel. Puwede rin naman na takot pa lang itong makipag-sex sa unang pagkakataon. The more she worries about it, the scarier it seems and the less able she is to relax.

Umpisahan dapat nina Joel at Anna sa pagiging honest sa isa’t isa. Kung talagang gusto nila na maging sila na sa hinaharap, kailangan nilang maging mature sa pagtalakay sa isyung ito. Puwede rin silang mag-research online ng kagayang problema at mula roon ay humugot ng mga puwedeng maging solusyon.