Skip to main content

Natuklasan ng anak nila na may other woman ang mister niya

July 3, 2015

TWENTY years ng kasal si Nona kay Abel. Kamakailan ay natuklasan niya na apat na taon na pala itong may other woman.

Ang shocking, ang unang nakaalam sa tagong relasyon ni Abel ay ang kanilang anak na si Miko. Nagkataon na naging kakilala ni Miko ang anak ng other woman ni Abel!

Natuklasan din daw ng anak ng other woman ni Abel ang relasyon ng ina nito sa ama ni Miko, at dahil sa pagsubaybay nito sa ina at sa karelasyon nito kaya sila nagkakilala.

Sobra raw ang naging galit ni Miko kay Abel ayon kay Nona. Ayaw na nitong kausapin ang ama.

May mga issues naman sa buhay si Abel at palagay ni Nona ay bipolar ito. Madalas itong magalit nang walang dahilan. May depresyon din ito at kung minsan at laging tulog pag araw.

Wala raw alam si Abel na galing naman sa isang magulong relasyon ang kabit nito dahil ang mister nito ay abusado na ay lasenggo pa. Nalaman lang nito nang tuluyang hiwalayan si Nona at ang babae na ang pakisamahan.

Pinipilit ni Nona na magpakatatag sa sitwasyon nila ngayon. Gayunpaman, dahil malaki ang galit ni Miko sa ama ay may pagkakataon na hindi niya alam ang gagawin para maunawaan nito ang mga kaganapan.

EDITOR’S TAKE:

Hindi lang si Nona ang pinalungkot ni Abel ang buhay kundi maging ang kanilang anak. Natural lang na magalit si Miko sa ama dahil sa palagay nito ay pare-parehong nasira ang kanilang buhay.

Bahala na sa kanyang problema sa depresyon ngayon si Abel. Mas pinili niya kasi na iwan si Nona. Pero hindi dapat gawin ni Nona na excuse ang “sakit” ni Abel kaya ito nambabae.

Dapat magpokus si Nona sa kanyang anak. Ipaliwanag niya rito na masakit ang ginawa ni Abel pero kaya nilang lampasan ang mga pagsubok.

Bigyan din niya ng assurance si Miko na mahal na mahal niya ang anak. Sabihin niya rito na isang lesson iyon na dapat nitong matutunan, at hindi nito dapat gayahin ang ama.

Mag-adjust din si Nona sa buhay na walang mister at piliting maging normal lang ang takbo ng buhay sa araw-araw.

At kung may mga bagahe rin ang babaing pinakisamahan ni Abel, tiyak na hindi rin magtatagal ang pagsasama ng mga ito. Kung babalik kay Nona ang mister, mas mainam pang huwag na niya itong tanggapin.