Skip to main content

Nina at Nyoy pareho nang naka-move on

February 3, 2016

KAYA pala medyo nawala sa sirkulasyon ay nanganak na ang Soul Siren na si Nina ng isang baby girl last December 24 courtesy of her longtime non-showbiz businessman boyfriend.

Walang nakakaalam na nabuntis at nagsilang na pala si Nina, pero kahit magtu-two months pa lamang ang kanyang baby, balik-trabaho na siya at marami ang namangha dahil hindi halata na ito’y bagong panganak dahil naibalik kaagad nito sa dati ang kanyang katawan.

On February 12, mapapanood si Nina sa isang pre-Valentine concert sa PICC na pinamagatang Love Throwback na pagsasamahan nila nina Rico J. Puno, Marco Sison, Gino Padilla, at Roselle Nava.

Si Nina ay ex-GF ng acoustic singer na si Nyoy Volante, pero tila hindi naging maganda ang kanilang break-up na nauwi pa sa demandahan.

EDITOR’S TAKE:
Pareho nang naka-move on sina Nina at Nyoy dahil ikinasal na rin ang huli.