Skip to main content

Painful para sa kanya ang naging closure nila ng ex-GF niya

September 3, 2015

AFTER four years ng kanilang relasyon ay nagkaroon ng away sina Homer at Tess. May kinalaman iyon sa negosyong itinayo nila na hindi naging matagumpay dahil sa pakikialam ng parents ng dalaga. Nawalan na sila ng komunikasyon. Wala rin silang naging closure.

Mahal na mahal ni Homer si Tess kaya hindi niya ito makalimutan. Hindi rin siya nanligaw sa ibang babae dahil umaasa siyang magkakabalikan pa sila. Minsan ay nagulat siya nang imbitahan nito na magkape sa loob ng isang local tourist attraction. Natuwa siya dahil inisip niyang baka magkaroon na sila ng rekonsilasyon.

Gayun na lamang ang gulat niya nang makitang may kasamang ibang lalaki si Tess sa kanilang meeting place—at ipinakilala nito sa kanya bilang bago nitong BF.

Ang masaklap pa, ikakasal na pala ang dalawa!

Ayon kay Tess ay gusto nitong magkausap muna sila bago ito lumagay sa tahimik, at dahil nga wala silang naging closure. Inamin din nito na nasa part nito ang dahilan kaya nabulilyaso ang kanilang joint venture. Binigyan din siya nito ng tseke na ayon dito ay bayad sa naluging negosyo at sa naging share ni Homer.

Ayaw ni Homer na magpakasal sa iba si Tess. Ang plano niya ay kausapin ang fiancé nito at sabihin dito ang mga namagitan sa kanilang dalawa ng dalaga. Na siya ang nakakuha ng virginity nito, at bago sila nagkaroon ng isyu ay active ang kanilang sex life. Naisip niya, sa ganoong paraan ay baka ma-turn off ito sa dalaga.

Sa kabilang banda, nakatakda na ang kasal ni Tess at naiisip din ni Homer na baka hindi maging masaya ang buhay-may asawa ng kanyang ex-GF.

Hahabulin pa raw ba niya si Tess, o hahayaan na lang ito sa lalaking nakatakda nitong pakasalan?

EDITOR’S TAKE:

Ginawa ni Tess ang tama—nakipag-usap kay Homer, umamin na ito ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang negosyo, ibinalik ang pera ng binata. Nagpakita rin ito ng katapatan sa mapapangasawa dahil ipinakita nito si Homer bilang past nito.

Sa ating palagay ay nasaktan naman ang pride ni Homer. Wala silang closure, at nang magkausap naman sila ay may iba na palang nagmamay-ari ng puso ni Tess at magpapakasal na rito.

Ano ba ang magiging gain ni Homer sakali mang kausapin niya ang fiancé ni Tess? Magmalaki na siya ang nag-pop ng cherry ng dalaga? Na alam niya ang hanggang kasingit-singitan nito? Hindi ba’t para naman siyang isip-bata sa plano niyang iyon?

Tanggapin na lang niya na wala na si Tess sa buhay niya. Hindi sila ang nakatakda para sa isa’t isa. Mas maipadarama at maipakikita niya na mahal niya si Tess kung hahangarin niya ang kaligayahn nito sa piling ng iba kahit pa ang katumbas niyon ay ang pagdurugo ng kanyang puso.