Skip to main content

Pakialamera ang hipag niya

November 30, 2015

MULA nang ikasal sina Klara at Blas ay naging pakialamera na raw sa buhay nila ang kapatid nito na si Ashley. Sinasakyan na lang daw niya ang mga trip nito bagaman at paminsan-minsan ay sinusuway niya. Sa darating na summer ay plano ni Ashley na mag-Boracay kasama ang buong pamilya nila—at siyempre sina Klara at Blas. Ngayon pa lang ay nagpaplano na ito para raw makatipid.

Okey naman kay Klara ang idea. Ang totoo ay close ang anak nila sa anak ni Ashley. Ang problema ay madalas ding hindi nagkakasundo sina Blas at Ashley sa maraming bagay.

May listahan na raw si Ashley ng mga dapat gawin—lokasyon, vacation house na rerentahan, at kung anu-ano pa—pero hindi na kinonsulta sina Klara.

Paano raw kaya niya masasabi sa hipag ang mga trip niya sa kanilang magiging bakasyon nang hindi ito mao-offend?

EDITOR’S TAKE:

Hindi ito dapat maging argumento. Hindi dapat ma-intimidate si Klara kay Ashley, pero hindi nila kailangang magtarayan.

Mukhang hindi naman isang control freak ang hipag ni Klara. Si Ashley lang ang tipong malakas ang personalidad at gustong laging in charge sa mga activity ng kanilang pamilya.

Kung nahihiya siyang sabihin dito nang harapan, i-text niya ito at sabihin ang kanyang mga suggestions.

Para mag-enjoy sila pare-pareho ay kailangang may konting compromise on both sides. At kung hindi papayag si Ashley, mabuti pang huwag na lang silang sumama.