Skip to main content

Panliligaw kay Shaina Magdayao itinanggi ni Gerald Anderson

July 29, 2015

PAREHO lang daw devastated sina Gerald Anderson at Maja Salvador  sa kanilang naging paghihiwalay.

“Pareho kami. Ako nga, [nadurog ang puso ko sa] 300 pieces! Pero ganoon talaga, e. We are just moving on and we’re both becoming better persons. Right now, I’m taking care of myself muna, improving myself. ‘Yun ang kailangan," kuwento ng actor nang makausap ng press kamakailan.

Kinumpirma rin ni Gerald ang naging pahayag ni Maja na ang aktor ang unang bumabati sa aktres kapag nagkakasalubong sila sa ASAP, kung saan sila regular hosts.

“Oo naman! Siyempre, ganoon talaga. Maganda naman ang pinagsamahan namin.”

Nahihiya nga raw siya kay Maja dahil hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila ng press tungkol sa naging paghihiwalay nila.   

“Kasi siyempre, dapat tapos na. Pero hindi natin maiiwasan ‘yan kasi ito ‘yung trabaho namin. But she’s a very strong person and napakabuti niya."

Nang tanungin ng press si Gerald tungkol sa usap-usapang may bago siyang natitipuhan, ang kapareha niya sa teleseryeng Nathaniel na si Shaina Magdayao, ang reaction niya, “Sobrang sarap niyang katrabaho, magaan, very professional. Sobrang bait niya, accommodating, madaling kausap. Huwag muna, huwag muna... huwag n’yo muna akong tanungin! Hindi, focus lang muna rito sa Nathaniel. ‘Yun lang iniisip ko ngayon. Sabi ko nga, magaganda ang qualities ni Shaina. Pero ako mismo, wala ako sa kondisyon para pumasok sa isang relasyon. Ang dami ko pang dapat ayusin."

Kasama rin si Gerald sa project na muling pagsasamahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

EDITOR’S TAKE:

Ang tsika ng mga showbiz insiders ay may non-showbiz girlfriend si Gerald kaya mukhang ploy lang ‘yung kay Shaina para huwag mapag-usapan iyon.