Skip to main content

Pilotong nang-aabuso ng misis inaresto

October 6, 2015

DINAKIP ng Aviation police ang isang piloto ng AirAsia Zest sa kaso ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act.

Kadarating lang sa Ninoy Aquino International Airport ng pilotong si Captain Mark Takeahi Hill kasama ang ibang crew mula sa Macau nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest.

Nabatid na nagsampa ng kaso laban sa kanya ang dating asawa sa Pasay Prosecutor’s Office dahil sa pang-aabuso.

Naglabas naman ang AirAsia management ng statement tungkol sa insidente na bahala na ang kinauukulan sa naturang kaso.

“The airline is not involved in the personal issue between the accused and the complainant and it is best left for relevant authorities to investigate and resolve,” anang AirAsia.  “We are against any unlawful or illegal behavior and will not allow such incident to disrupt our operations and commitment to deliver the best quality service to our guest.”

EDITOR’S TAKE:

At dapat na ring matanggal sa trabaho ang pilotong ito. Kung nang-aabuso siya ng asawa, nakakatakot ang takbo ng isip niya at pag-uugali na posibleng maglagay sa panganib sa kanyang mga pasahero.