Skip to main content

Romansa nabuo dahil lang sa isang 'comment'

MATAPOS niyang gumawa ng account sa Instagram noong 2011, nagsimula si Robin na maghanap ng mga tao na ipa-follow. Isa ang mga naka-post na cycling photos ni Matt sa nakaagaw ng kanyang atensyon. Nag-comment siya sa isang photo nito.

Nag-comment naman si Matt sa isang photo ni Robin na ang subject ay snow. Sinabi pa ng binata na nami-miss niya ang snow pag Christmas sa Wisconsin kung saan siya lumaki bago lumipat ang kanilang pamilya sa California.

Matapos ang ilang palitan nila ng comment, nagsabi si Matt kay Robin na mag-e-mail sa kanya ang dalaga.

Nagpadala naman sa kanya ang dalaga ng one-line note na: "What's up?"

Nag-reply ang binata ng eight-paragraph e-mail tungkol sa kanyang sarili, ang kanyang pagkabata, at ang mga hirap na pinagdaanan niya para maka-adjust sa buhay sa California.

Kuwento ni Robin tungkol kay Matt sa isang online interview, "He was just so endearing and sincere. I could feel the warmth in his words. I'd long been struggling to find my place on this earth, and despite the differences in our individual circumstances, I could relate to every single word. I didn't hesitate to write back."

Matapos ang isang taon ng pagpapalitan ng e-mail, ibinigay ni Matt kay Robin ang kanyang phone number. Nang mag-chat sila sa Skype sa unang pagkakataon, inabot ang kanilang kuwentuhan ng 13 oras! Ilang buwan pa ang lumipas at nagkita na sila nang personal for the first time.

"I couldn't even make eye contact with him. I'm not exaggerating," pahayag ni Robin. "For at least an hour, I couldn't look him in the eyes for more than a second or two. I was a flustered, giddy mess."

Nagkaunawaan sila at makalipas muli ang isang taon ay nagpakasal na. Ginamit pa nila ang Instagram sa pagpaplano ng kanilang kasal—at dito nila nakilala ang naging photographer at videographer sa kanilang wedding.

Sa ngayon ay masayang namumuhay ang mag-asawa sa California.

EDITOR’S TAKE”

Hindi na isang bagong konsepto ang makatagpo ng pag-ibig sa social media. Gaya ng Instagram na photo-driven, may pakiramdam ka na ang tao na sinusubaybayan mo ang mga posts ay matagal mo nang kilala bago pa man kayo magkita. Pero importante pa rin na tiyakin ang iyong damdamin once na makita na ang taong minahal mo online sa personal.