Skip to main content

Rufa Mae Quinto engaged na

February 4, 2016

KAYA pala hindi na masyadong active sa showbiz ay engaged na si Rufa Mae Quinto sa kanyang Filipino-American boyfriend. Sa kanyang Instagram account ay masayang ibinalita ng sexy actress ang engagement nila ng kanyang BF na si Trevor Magallanes.

Nagpasalamat din si Rufa Mae sa pamilya ng kanyang boyfriend dahil sa pagtanggap sa kanya bilang magiging kabiyak ni Trevor. Ilang buwan nang nasa Amerika ang dalaga para magbakasyon kasama ang kanyang boyfriend.

Sa isang litrato na inilagay ni Rufa Mae sa Instagram na kuha sa San Francisco California, makikita ang kanyang mapapangasawa at ang pamilya nito kasama rin ang ilang malalapit niyang kaibigan.

EDITOR’S TAKE:

It’s about time, Rufa Mae. At sana nga ay nakita na ng aktres ang lalaking magiging kanya na habambuhay.