Skip to main content

Sangkot sa 'cybersex' ang girlfriend niya

July 4, 2015

ISANG araw na ginamit ni Felix ang laptop ng kanyang girlfriend na si Gladys ay natuklasan niya na marami itong photos ng mga nakahubad na lalaki na kita na ang kaselanan. Nagulat siya lalo pa nang malaman na bina-blackmail pala nito ang mga lalaking nagpapadala rito ng hubad na larawan!

Kumikita pala ng pera si Gladys dahil doon. Una itong magpapakita ng mga sexy poses nito sa online camera nang nakatakip ang mukha. Pag gumaya na ang lalaki na ka-chat rito ay kumukuha ito ng still photos saka tatakutin na kung hindi ito bibigyan ng pera ay ipo-post sa social media ang hubad na katawan ng lalaki.

Gusto niyang komprontahin si Gladys pero hindi niya alam kung paano. Natatakot din siya na baka matuklasan ng mga awtoridad ang bawal na gawain ng kanyang girlfriend.

EDITOR’S TAKE:

Pangit ang gawain ni Gladys bukod pa sa labag sa batas at sa karapatang pantao ng mga lalaking biktima niya.

Dapat mag-isip si Felix na hindi mabuting tao ang GF niya at dapat agad niya itong kalasan. Bakit kailangan nitong kumita ng pera sa maling paraan? Maituturing itong isang karumal-dumal na krimen.

Alam na rin niya ngayon kung saan nanggagaling ang pera ng GF. Masisikmura ba niya na tanggapin ang anumang bibilhin nito para sa kanya, pagkain man o regalo, gayung alam niya ang pinagmulan niyon?

Kausapin dapat agad niya si Gladys at sabihin dito na itigil ang masamang gawain, at dahil doon ay posible itong makulong.