Skip to main content

Sarah at Matteo obvious na may pinagdaraanan ang relasyon

July 7, 2015

IPINAGTAPAT ni Sarah Geronimo na okey na ang lahat sa pagitan nila ng kanyang mga naging ex-boyfriends na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz. Nabanggit ito ng Pop Princess nang mag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice” noong July 6.

Karelasyon ngayon ng singer-actress ang kapwa Kapamilya talent na si

Matteo Guidicelli. 

Aminado siyang may mga pinagdadaanan sila ng kanyang BF. 

“Hindi naman maiiwasan 'yung mga trials. Pero okey kami,” pagbabahagi niya. Sinabi rin niyang pagdating kay Matteo, siya ay "super in love."

Guest din sa episode na iyon at unang sumalang si Matteo at kinanta ang “Steal My Girl” ng One Direction. 

Dahil sa kanta ay natanong ni Vice si Matteo kung may mga nagtatangka raw ba na agawin dito si Sarah. Sagot ng actor, “Yes, but no one can.”

Nang si Sarah naman ang sabihan ni Vice na magkomento sa sinabi ni Matteo, anang Pop Star Princess, “Oo. Wala naman kasi. Siyempre, di ako magpapa-steal.”

Ayon sa ilang showbiz insiders ay nagkatampuhan ang magkasintahan dahil hindi umano naging komportable si Matteo sa mga eksena nina Sarah at Piolo Pascual sa The Break-up Playlist. Ang singer-actress kasi ay aminadong kinikilig sa katambal. Matatandaan na maugong na napag-usapan ang kanilang halikan sa pelikula.

Hindi naman daw pinanood ni Matteo ang nasabing movie.

EDITOR’S TAKE:
Usual problem sa relasyon ng mga celebrity kapag mas sikat ang isa. Sa case nina Sarah at Matteo, ang huli ang dapat mag-adjust sa stature ng dalaga. Hindi naman puwedeng maging hadlang sa growth nito as an actress ang kanilang pagmamahalan.

Nauunawaaan natin ang damdamin ni Matteo lalo pa at kahit noong hindi pa sila ay aminado si Sarah na pantasya nito si Piolo. Pero ganoon talaga ang mga babae kung minsan—hanggang kilig lang naman pero ang puso ay nasa talagang minamahal.

Tiwala sa isa’t isa ang magpapatatag kina Matteo at Sarah. Umpisa pa lang ito ng maraming pagsubok.