Skip to main content

Seloso ang BF na Briton

March 7, 2016

BUGBOG-SARADO  ang isang Pinay matapos sa kanyang boyfriend na isang Briton dahil naghihinala at  nagseselos ang lalaki na may ibang lalaki ang biktima.

Ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si Corazon Herrera, 24, tubong taga-Libertad Antique dahil magang-maga ang mukha nito at nagtamo rin ng mga pasa at sugat sa katawan.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya laban sa suspek na si Brian Morisson, 29, isang Scottish, pansamantalang nanunuluyan sa Gramercy Residency, Kalayaan Ave., Brgy. Poblacion, Makati City.

Lumalabas sa report na isinumite sa tanggapan ni Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-9:35 ng gabi  sa  condominium  na tinutuluyan ng suspek sa naturang lugar.

Ayon sa reklamo ng biktima, laging naghihinala ang suspek na may iba siyang lalaki at nagseselos ito pero wala namang katotohanan ang bintang sa kanya.

Nagtalo ang dalawa at dito na siya pinaggugulpi ng dayuhan at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.

Kaagad dinala ng mga naka-duty na guwardya ang biktima sa nabanggit na ospital. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

EDITOR’S TAKE:

Baka naman punching bag talaga ang hanap ng kriminal na dayuhan at hindi GF. Kung minsan naman kasi ang ibang Pinay, makakita lang ng may lahi ay patol agad kahit hindi kilala ang pagkatao kaya nauuwi sa ganitong kalagayan.