Skip to main content

Seventeen years old pa lang siya at buntis

December 1, 2015

SEVENTEEN years old pa lang si Doray at pakiramdam niya ay nabuntis siya ng BF niyang si Doods na 18 years old pa lang.

Walong buwan na silang magkarelasyon pero nag-break sila kamakailan dahil ipinagpalit siya nito sa ibang babae.

Ayaw magpa-abort ni Doray—at alam daw iyon ni Doods. Gusto niyang magpatingin sa doktor para makatiyak kung buntis nga siya. Hindi niya alam kung sasabihin niya kay Doods ang kalagayan sakaling makumpirma niya na nagdadalantao nga siya.

Ayaw na raw niyang magkaroon ng komunikasyon kay Doods, pero payo ng ina ni Doray ay dapat nitong malaman na magiging ama na ito.

Gusto raw hingin ni Doray ang ating opinyon.

EDITOR’S TAKE:

Tama ang mommy ni Doray na malaman ni Doods ang kalagayan niya sakaling buntis siya talaga. Kailangang maging bahagi ito ng buhay ng kanilang magiging anak.

Hindi naman kailangan na magkabalikan sila. Ang mahalaga ay magkasundo sila kung paano mapapabuti ang kinabukasan ng bata.

Dahil 17 pa lang siya, kailangan niya ng maraming suporta pag nanganak siya. It’s totally life-changing. Masarap maging ina, pero dahil napakabata pa ni Doray ay marami rin siyang mami-miss sa buhay.

Kailangan ding malaman ng parents ni Doods ang sitwasyon ni Doray. Posible silang makatulong sa kanilang magiging apo.

Sa paglaki ng bata, kailangan ay wala silang itago sa naging sitwasyon. Kung maaayos nina Doray at Doods ang gusot nila ngayon, maraming isyu ang maiiwasan pagdating ng panahon.

Maging paalala rin sana ito sa mga kabataan na maagang nakikipagrelasyon. Masarap ang BF-GF relationship pero hindi dapat mag-engage agad sa pre-marital sex.

Puwede ring magtanong sa abogado si Doray kung paano makakahingi ng suporta kay Doods dahil sa ating batas ay puwedeng mag-demand ng suporta ang isang single mom kahit hindi sila kasal sa lalaking nakabuntis sa kanya.