Skip to main content

Sofia Andres at Iñigo Pascual naudlot ang pagiging ‘MU’

KAMAKAILAN ay inamin ni Iñigo Pascual na mayroon na silang “mutual understanding” ni Sofia Andres. Ngayon ay malaki na raw ang nagbago sa sitwasyon nila ayon sa young actress.

Aniya, “Me and Iñigo are okay. We’re still friends, pero hindi na kami nag-uusap kasi hindi na kami nagkikita, eh. Kasi busy rin siya, so, parang walang time. After the movie (Relaks It’s Just Pag-Ibig) kasi, we both tried to help each other kung paano kami magko-communicate. Kasi after that nasa Baguio City na ako, and siya ay nagte-taping na for ‘Para Sa Hopeless Romantic’.”

Napansin daw ni Sofia na medyo nagkaroon na sila ng distance ni Iñigo. “Siyempre pag hindi na nagkikita ang dalawang tao, parang it’s going to be different. Kasi wala nang pinag-uusapan, wala nang pinagsasamahan. Hindi na katulad ng dati kasi magka-work kami before and lagi kaming magkasama.”

Aminado naman siyang nalungkot siya nangyari.

“It’s sad at the same time kasi hindi naman talaga biro ‘yun, eh. ‘Yung ilang years of friendship na sabay naming natutunan kasi sabay kaming pumasok sa showbiz, first project. That’s life.”

Ipinaliwanag na rin daw niya sa kanilang mga fans ni Iñigo ang sitwasyon. “‘Yung Sofia-Iñigo fans, I tweeted na parang: ‘You just have to accept that we have different paths now.’ Kasi honestly parang nakakahiya roon sa new love team niya. Pinapa-trend kasi nila ‘yung Sofia-Iñigo projects, so, I tell them that they have to move on from the past. Some are okay with it pero heartbroken sila. Kasi parang I gave up na daw. Hindi naman, kasi ‘yung expectations nila it makes me feel so sad. Kasi kawawa naman ‘yung fans na nag-e-expect,” pagbabahagi pa ng aktres.

Si Sofia ang katambal ni Enchong Dee para sa “Wansapanataym Presents Kung Fu Chinito”. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawa.

“First time ko to work with Enchong, and lahat sila sa Dreamscape. Magaan silang kasama, kasi minsan, di ba, pag nakikita mo ang isang tao parang nakaka-intimidate. Sila, very chill people.”

Si Iñigo naman ay bini-build up bilang ka-love team ni Julia Barretto.

EDITOR’S TAKE:

Ilang showbiz insiders ang nagsasabing pabor kay Sofia Andres na hindi na sila love team ni Iñigo Pascual. Mas may patutunguhan daw ang kanyang career kung solo lang siya at puwedeng itambal kahit kanino.