Skip to main content

'Status' nina Erik Santos at Angeline Quinto malabo pa rin

May 22, 2015

ANO na nga ba ang real score between Erik Santos and Angeline Quinto? Kung susumahin ay halos isang taon na rin ang ginagawang panliligaw ng binata sa kapwa singer.

May mga tsika na maging si Erik ay medyo napapagod na rin sa katatanong kay Angeline tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Nagkaroon pa raw ng tampuhan ang dalawang singer kamakailan dahil dito.

Paliwanag ni Angeline, “Ako naman kasi, sinasabi ko kay Erik ‘yun. Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo naman kasi na marami na rin akong mga naging relationship before.’ So ngayon, sabi ko sa kanya, gusto ko kasi ako mismo sa sarili ko, kung maging kami man ni Erik na talaga, gusto ko ‘yung hindi na ako magtatampo. Gusto kong sigurado na talaga ako at sigurado na rin siya na ako talaga.”

“Sigurado ako,” maikling sagot naman ni Erik.

Talaga lang daw hindi pa handa si Angeline sa panibagong relasyon. Ayon sa dalaga, “Alam naman ni Erik kung ano ‘yung totoo. Na totoo na hindi pa ako ready nga na maging kami.”

Kamakailan ay sinabi ni Erik na medyo kabado ito sa pagsasamang muli nina Angeline at Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano. Una nang nagkatambal sa pelikulang Born to Love You ang dalawa. Alam kasi ng binata na crush ni Angeline si Coco.

“Baka mamaya siyempre ay ma-develop, which is very possible naman,” pahayag ni Erik.

Sa isang episode ng “KrisTV” ay nakantiyawan pa ni K Brosas si Angeline dahil bakit daw ayaw pang tanggapin ng dalaga ang pag-ibig ni Erik.

EDITOR’S TAKE:

Ang relasyon (o friendship) nina Erik at Angeline ay isang classic example ng kasabihang parang sila, pero hindi. Parang magsyota, pero friends lang. At na kay Angeline ang lahat nang desisyon para maging sila. Sana lang, kung sakaling mag-decide na siyang mahal na rin niya si Erik ay naroon pa ang feelings ng binata para sa kanya.