Toni Gonzaga buntis na
February 8, 2016
AYON sa isang mapagkakatiwalaang source ay buntis na si Toni Gonzaga.
Hunyo noong nakaraang taon nang ikasal sina Toni at Paul Soriano, at ayon sa mga naunang panayam sa aktres ay sa 2017 pa nila planong magkaanak ng kanyang mister.
“Hindi naman porke't kasal na ako, 'yung commitment ko sa trabaho I will set it aside,” wika niya.
Nakatakdang magbida si Toni sa upcoming show ng ABS-CBN na “Written in Our Stars” kasama sina Piolo Pascual, Sam Milby at Jolina Magdangal.
Ngunit dahil sa kanyang pagbubuntis, pansamantalang maaantala ang pagpapalabas ng nasabing serye.
EDITOR’S TAKE:
Congrats, Toni and Paul!