Skip to main content

TV host-comedian gusto nang ipawalang bisa ang kasal sa misis

May 22, 2015

NASA plano na raw ng komedyante at TV host na si Arnell Ignacio na mag-file ng annulment case upang mapawalang-bisa na ang kasal nila ng misis na si Frannie. Ang dating mag-asawa ay may isang anak na babae.

Twelve years munang nag-live in sina Arnell at Frannie bago nagpakasal noong 2004. Naghiwalay rin sila five months after nilang ikasal.

Kinumpirma niya ito nang makausap kamakailan ng press. "Oo nga, dapat na nga sana [na mag-file ng annulment]. Dahil nasabi ko na nga na, baka si Fannie rin, baka mas okey sa kanya na single na siya, ako rin naman. Kasi baka unfair din kay Frannie. Siyempre, hindi lang naman ako ang puwedeng may kasama.”

Dagdag pa niya, “Dapat nga talaga magpa-annul na ako, kasi ang hirap, e. Tulad niyan, bumili ako ng condo, ang daming pipirmahan. Pero mabait naman si Frannie, pipirma naman ‘yun. At saka di ko naman ipagdadamot ‘yun sa kanya, mabait naman siya."

Wala pa ring karelasyon si Fannie mula nang maghiwalay sila. Kaya naiisip na raw ni Arnell na palayain na ito sa kanilang marriage para magawa nito ang gusto nito.

Pabor naman daw ang kanilang 19-year old na anak sa plano niya.

Maganda rin daw ang arrangement nilang mag-asawa pagdating sa kanilang anak.

“Buti nga ngayon, nagiging balanse na. Ngayon, madalas na siyang nasa mommy niya, kasi dalaga na rin,” kuwento pa ni Arnell. “Bonding time sila, nakakapag-drive na siya,  binilhan ko siya ng kotse, mahusay na siyang magmaneho,” masaya pa niyang pagbabahagi.

EDITOR’S TAKE:

Tama ang desisyon ni Arnell dahil mukhang malabo na rin naman sa sitwasyon nilang mag-asawa ang magkabalikan pa. Nakatutuwa on his part na iniisip din niya ang kapakanan, kalayaan at pagkakaroon ng panibagong pag-ibig ng dating misis.