Skip to main content

Vic Sotto at Pauleen Luna kumpirmadong engaged na

September 2, 2015

KINUMPIRMA ni Vic Sotto ang lumabas na balita na engaged na sila ni Pauleen Luna.

“Yes, we are,” matapat niyang pahayag nang makausap ng press. “Hindi ko naman puwedeng i-deny 'yon. But the details, ‘yun ang sa tamang panahon. Kung anuman ang mangyayari in the future."

Nakatsikahan ng media si Vic sa press conference ng CitiGlobal Realty & Development, Inc., na ginanap sa Cities Events Place, Quezon City ngayong Miyerkules, September 2.

Inamin din ni Vic na  umakyat na ang level ng kanilang relasyon. Aniya, “Ibang level na, pero I will go into details sa tamang panahon. Hindi naman ako ‘yung tipong magde-deny, or sabi ko naman sa inyo, kung meron kailangang aminin, inaamin.”

Nang tanungin ng press kung ano ang nararamdaman niya ngayon, sagot niya “I’m good, I’m always good. I’m happy with the way things are turning out, with [Eat] Bulaga, with mga kasamahan ko sa trabaho, everything is great. So, I feel great. I’m doing great."

Ilang oras naman matapos kumpirmahin ni Vic ang engagement nila ni Pauleen ay nag-post ang actress-TV  sa kanyang Instagram account ng photo ng kanyang engagement ring na may caption na "In God's perfect time."

Matagal na rin ang relasyon ng dalawa. Si Vic ay 61 years old samantalang 26 si Pauleen.

Masaya naman daw ang utol ni Vic na si Sen. Tito Sotto para sa magkasintahan.

EDITOR’S TAKE:

May engagement ring na—next na tiyak ang kasalan—soon!