Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jul 7 2011 - 00:16

“BAKIT naman Engineering?” protesta ni Christopher nang malamang iyon ang kursong gustong kunin ni Maita. “Para classmates pa rin tayo,” masiglang sabi ng dalaga. “Pero mahina ka sa Math.” “Hindi bale, nand’yan ka naman,” aniya. Napakamot sa noo ang lalaki. “Hindi puwedeng gano’n,” mari¬ing sabi nito. “Kailangan ay gusto mo ang kursong kukunin mo.” “Iyon nga ang gusto ko, eh, maging engineer para ikaw pa rin ang buddy-buddy ko,” giit niya. Tinapik niya ang binatilyo sa balikat. “Kilala mo naman ako, Chris, marunong tumupad sa pangako. Nagsumpaan tayo noon na hindi tayo maghihiwalay.” “Natatandaan mo pa rin ‘yon? Aba’y nasa kinder pa tayo no’n, ah. Isa pa’y wala pa akong isip noon. Akala ko noon ay lalaki ka.” “Ulol!” Binatukan niya ito nang mahina. Napaungol ito nang tamaan ang sugat nito.

Forever Friends
Jul 3 2011 - 22:47

Ilang beses nang minamalas sa pag-ibig si Maya. Para bang hindi na siya makakakita ng lalaking para sa kanya. Sa panonood niya ng isang TV show, naapektuhan siya ng topic ng problema. Baby making! Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. Ano kaya kung mag-anak na lang siya kahit walang asawa? Problema naman niya ang lalaking hihingan ng anak. Ayaw naman niyang basta na lang dumampot kung saan. Kailangan, gusto rin niya ang lalaking mapipili niya. Nakilala niya si Brix at naakit siya rito. Para sa kanya, hindi man siya type nito, hindi naman siguro ito magdadamot kung hihingan niya ng lahi! Ngunit malihim si Brix. Hindi niya masakyan kung anong uri ng pagkatao meron ito. Nakabilanggo ang binata sa alaala ng babaing dati nitong minahal. Ang masaklap pa, may mabigat itong problema. Nakataya roon ang kahihiyan nito at kakayahan. Ang sukatan ng pagiging isang tunay na lalake. Si Brix pa rin ang katuparan ng hinahanap ni Maya ng pagmamahal?

May Sukatan Ba Ang Pag-ibig?
Jul 1 2011 - 03:24

It all started nang tamaan ni Laila ng bola ang nagdaraang si Melvin. Dahil nakasuot lalaki ay napatulan siya nito. Akalain ba naman ni Laila na makakaharap niyang muli ang kinaiinisang lalaki sa pangalawang pagkakataon, in a party, kung saan feminine na feminine naman ang dating niya. At mukhang attracted pa yata sa kanya si Melvin.

Ganyan Kita Kamahal
Jun 30 2011 - 01:37

Mahal na mahal ni Jimbo si Meryll, anak ng mag-asawang milyonaryo. Kaya niyaya na niya itong sumama sa kaya. Handa na si Meryll na talikuran ang lahat para kay Jimbo. Isang Linggo bago sila tumakas ay nakilala ni Jimbo si Rica. Dahil dito’y tinalikuran niya si Meryll. Hindi basta patatalo si Meryll lalo’t mayaman siya. Gagantihan niya ang dalawang sumugat sa kanyang puso at kaluluwa.

Itanong Mo Sa Puso Ko
Jun 28 2011 - 06:19

Inspiration for romance novels comes from unexpected sources. I was looking all over for my eyeglasses one morning and I practically turned the whole house upside down, screamed at everyone and barked back at my dog. All the while, the eyeglasses was on top of my head. Same thing with love. We search and search believing that we have to kiss a lot of frogs before we kiss a prince. Truth is, we don’t have to go frog-kissing because the prince we’re searching for is just right up our noses. ROSE TAN

My Love, My Destiny
Jun 27 2011 - 05:16

Sa paghahanap sa nawawalang kapatid, nakilala ni Hanna si Jerich. Hindi maganda ang unang impresyon dito ng dalaga. May pagkaantipatiko kasi at makulit ang binata. Ngunit ang ipinagtataka niya, kahit saan siya magpunta ay laging nagkukrus ang landas nila ng lalaki. Coincidence nga lang ba o sa sadyang sinusundan siya ni Jerich? Anuman ang totoong dahilan, umiiwas si Hannah na lumalim ang pagkakakilalang iyon. Ayaw na niyang muling mahulog ang loob sa isang lalaki matapos ang isang masaklap na kabiguan sa pag-ibig. Ngunit paano niya nga ba maiiwasan ang charm ng isang tulad ni Jerich?

Ikaw Na Naman
Jun 22 2011 - 20:46

Napilitang bumalik si Samantha Gutierrez sa Maynila upang harapin ang problema sa kanilang negosyo. Subalit hindi niya akalaing ang makakaharap niya ay ang dati niyang pag-ibig, si Alex Gomez. At dahil sa tinanggihan niya itong pakasalan noon, ngayo’y muling bumalik si Alex sa buhay niya upang maghiganti. Para maisalba ang naluluging negosyo ng pamilya, kinailangang pakasalan ni Samantha ang dating nobyo. Mapanuya, dominante at sobrang kumpiyansa sa sarili, kinontrol ni Alex ang buhay ni Samantha na parang nagpapatakbo ng kanyang negosyo wala na ang dating pagmamahal na ipinakita sa kanya. At si Samantha ay naipit sa isang hungkag na kasal at sa kumpanyang mahal na mahal niya. Hanggang kailan niya matitiis angmga pasakit at kalupitan ng asawa? Paano niya mabubura sa isipan nito ang maling pagkakakilala sa kanya na siya ay isang taksil? At kailan niya muling maririnig sa lalaki na mahal siya nito katulad ng pagmamahal niya?

Kailan Sasabihing Mahal?
Jun 21 2011 - 20:12

“SIPSIP ka talaga sa lolo ko, ‘no?” Inirapan lang ni Chay ang nakasalubong sa pintuang si Jet. Tumingin ito sa dala niyang oval casserole na wala nang laman. Bago muling tumingin sa kanya. “Hindi na ako magtataka kung pati ikaw, pamanahan din niya.” Ngiti lang ang tugon niya sa sinabi nito. Ngiting nang-iinis. “Baka gusto mo ‘kong paraanin?” Hindi naman ito natinag sa pagkakatayo sa pintuan. “Ano ba talaga ang ulterior motive mo’t lagi ka na lang nagpapalakas kay Lolo Vito?” Lalong naging mapang-asar ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” “So, may ulterior motive ka nga?”...

Jet Josefino
Jun 12 2011 - 22:17

Mapagbirong talaga ang pag-ibig. Gaya ng nadama ni Isay. Pinakaiibig din niya si Wally na tanging lalaki para sa pinsan niyang si Lee. Pero hindi niya magagawang agawin ang binata sa pinsan dahil higit pa sa tunay na magkapatid ang kanilang turingan. Saka nalaman ni Isay na may kanser sa utak si Lee. Hindi niya makapa ang tunay niyang damdamin. Matutuwa ba siya dahil sa pagkamatay ni Lee ay malaya na niyang maaangkin ang pag-ibig ni Wally o malulungkot dahil mawawala na sa kanya ang pinakamamahal na pinsan?

Pahiram Ng Iyong Langit
Jun 10 2011 - 22:41

To her horror, her searching eyes rested on the lower part of his torso. It was one thing to have seen this man unadorned from afar, it was another to be near him wearing a flimsy garment which emphasised and clung to his masculine heritage. Lara felt her throat go dry...

Empire of Sunflowers