Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Browse our Latest Uploads 

Hey, Jude! Hey, Jude!
Jan 13 2011 - 05:31

Hey, Jude! Don’t be afraid; You were meant to go out and get her... Magkasama sina Angelin at Jude na narinig ang awitin na iyon. “Ako iyon, ah. Huwag daw akong matakot.” “Matakot saan?” tanong niya kay Jude. “Matakot sa pangarap. Mangarap sa piling mo.” Nakakatakot mangarap sa piling ni Angelin. Anak siya ng amo ni Jude. Pinag-aral lang ang lalaki ng pamilya niya; at ang kapalit ng lahat ay ang lihim nilang pagmamahalan. Remember to let her into your heart Then you can begin to make it better... Ngunit kasabay ng awiting iyon, patuloy silang nangarap. Nangarap nang magkayakap.

Read Now
Back to You Back to You
Jan 13 2011 - 05:21

TUMUNOG ang cellphone ni Nikita na nakapatong sa center table na nasa harapan niya. May message siya. Ngunit hindi niya iyon pinansin, bagkus ay lalo pang nagsumiksik sa gilid ng sofa. Yakap-yakap niya ang malaking body pillow na puro mukha ni Tweety bird ang print ng punda. Sige siya sa paghikbi. Malapit nang pumatak ang mga luha niya habang nakanganga sa harap ng TV. Ang pelikulang City of Angels ang nakasalang sa VCD player niya. Siya na lang yata ang tanging nilalang sa Pilipinas na may VCD player ang hindi pa nakakapanood sa pelikulang iyon...............

Read Now
Cafe Romanza Book 5: Chenelle Cafe Romanza Book 5: Chenelle
Jan 13 2011 - 21:54

Para maipagamot ang maysakit na ina, nakipagrelasyon si Chenelle sa mayamang si Drake. Handa niyang ipagpalit ang sarili sa kinakailangang pera. Pero nang manalo si Chenelle ng limampung milyong piso sa lotto, magagawa nga ba niyang iwan na si Drake?

Read Now
You Belong To Me You Belong To Me
Jan 13 2011 - 23:40

Ikakasal na lamang sila noon ni Adrian nang matuklasan ni Via ang kataksilan ng lalaki. Dahil doon, tumalikod siya sa nakatakdang kasalan. Nagtungo ang lalaki sa Amerika at hindi na sila muli pang nagkita. Pagkalipas ng apat na taon, muling nagbalik si Adrian at nagsabing gagawin nito ang lahat upang muling mahalin ni Via. Ngunit masyado nang huli para dugtungan ang nakaraan nila ni Adrian. Dahil bukod sa ikakasal na si Via sa ibang lalaki, hindi niya na rin alam kung paano pa muling magtitiwala kay Adrian.

Read Now
Pantasya Mo'y Pantasya Ko Rin Pantasya Mo'y Pantasya Ko Rin
Jan 13 2011 - 00:54

HINDI lamang ang pangalan ang ikinubli ni Mari, sikat na romance novelist. Ginamit niya ang Paloma del Mar bilang kanyang sagisag-panulat. Ginamit din niya ang mestisang half-sister na si Stefanie, bilang ang tunay na si Paloma. Hindi gaanong masakit kay Mari ang pagtatamasa ni Stefanie ng salapi at katanyagang nauukol sa kanya. Kaso’y inagaw rin ni Stefanie ang inspirasyon niyang si Joel. Sa labis na himutok, ang nasulingan ni Mari ay si Onyok, ang orihinal na minulan ng kanyang mga pantasya – na siyang talagang nag-udyok sa dalaga na kumatha ng maaalab na romansa.

Read Now
Abakada ng Pag-ibig: Shaira Abakada ng Pag-ibig: Shaira
Jan 13 2011 - 00:38

MALIIT pa si Shaira ay nakilala na bilang gifted child. Isang genius. Kaya naman sa kanyang pagdadalaga, ang hinahangaan lang niyang mga lalaki ay iyong mga pinakamagagaling sa akademya. Hanggang sa makilala niya ang construction contractor na si Jigger - isang college dropout na umasenso sa pamamagitan ng self-study, pagsisipag at pagiging street smart. Napakarami palang maituturo ni Jigger na hindi pa alam ni Shaira.

Read Now
Cafe Romanza Book 6: Dianne Cafe Romanza Book 6: Dianne
Jan 12 2011 - 20:49

Secure na secure na ang feeling ni Dianne sa boyfriend niyang si Jim dahil magkababata pa sila. Alam niyang mahal niya si Jim. Pero ano itong nadarama niya para kay Anton? Bakit ibang-iba at mas makapangyarihan kaysa sa nadarama niya para kay Jim? Tama ba ang iginigiit ni Anton na mahal lang niya si Jim pero ito ang kanyang tunay na iniibig?

Read Now
Abakada ng Pag-Ibig: Tatiana Abakada ng Pag-Ibig: Tatiana
Jan 12 2011 - 20:49

TOMBOY ang madalas na bansag kay Tatiana palibhasa’y mahilig siya sa sports at medyo maypagkasiga pa. Pero nang makilala ni Tatin si Roy, biglang feeling girl na girl ang dalaga. Trying hard tuloy siyang maging very feminine and fashionable. Handa pa nga siyang magpanggap na super-hinhin, hindi makabasag-pinggan at masunurin. Huli na nang malaman niyang mas bilib pala si Roy sa mga babaeng down-to-earth, agresibo at magaling sa sports.

Read Now
Mainit Na Labi, Malamig Na Puso Mainit Na Labi, Malamig Na Puso
Jan 12 2011 - 23:41

NANG mag-DH sa Hong Kong ang BSE graduate nasi Criselle, dalawa ang kinita niya: salapi at karanasan. Mula iyon kay Falco, ang guwapo niyang amo. Ang salapi’y kanyang suweldo; ang karanasan ay tugon sa maaapoy na halik na kaloob ng binata. Nang magbalik sa Pilipinas ang dalaga, baon niya ang masaklap na pagkabigo sa pag-ibig. At udyok ng pananabik kay Falco, nahumaling si Criselle sa pakikipag-chat sa internet. Pero hindi na-addict sa harmless na chat si Criselle kundi sa tinatawag na cybersex, na para ring phone sex. Ang palagi niyang “katalik” doon ay si LuvFool. Nang hilingin ni Luvfool, na kilala siya bilang si Loveless, na magkita sila sa personal, saka muling sumulpot sa buhay niya si Falco.

Read Now
Sa Kandungan Ng Kaaway Sa Kandungan Ng Kaaway
Jan 12 2011 - 21:06

Hindi malaman ni Shantana kung matatawa o maiinsulto sa kondisyong hinihingi ni Ricardo Riego kapalit ng iniaalok nitong tulong sa kanya. Magsama raw sila bilang huwad na mag-asawa. Isang kondisyon iyon na para kay Shantana ay isang malaking kalokohan. Ano ang nagbuyo sa lalaki upang alukin siya ng ganoong kasunduan? Dahil ba siya ang nasa gipit na kalagayan at iniisip nito na madali siya nitong mapapapayag sa kalokohang iyon? Hah, hindi siya sa ganoong patalim kakapit. Hindi sa patalim na iniaalok ng isang kaaway na tulad ni Ricardo Riego!

Read Now