Skip to main content

'Don't touch the merchandise'

March 7, 2016

TAGILID ngayon ang isang pulis na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport matapos sampahan ng kasong Sexual Harassment  at Acts of Lasciviousness ng isang lady guard sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Kinilala ni Sr. Supt. Adolfo B. Samala, hepe ng Philippine National Police Aviation Security Group, National Capital Region ang suspek na si P03 Jerome Albores, na nakatalaga sa naturang tanggapan.

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Amy, ay,nakatalaga sa Terminal 3 ng NAIA.

Seloso ang BF na Briton

March 7, 2016

BUGBOG-SARADO  ang isang Pinay matapos sa kanyang boyfriend na isang Briton dahil naghihinala at  nagseselos ang lalaki na may ibang lalaki ang biktima.

Ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si Corazon Herrera, 24, tubong taga-Libertad Antique dahil magang-maga ang mukha nito at nagtamo rin ng mga pasa at sugat sa katawan.

Nakilala lang sa FB ang 'killer BF'

February 18, 2016

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng isang gay na 21 beses na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng umano’y kanyang boyfriend,  noong Pebrero 16 sa loob ng kanyang condominium sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay PO3 Michael Marragun ng Manila Police District-Homicide Section, alas 4:40 na ng hapon, February 17, nang matagpuan ang bangkay ni George Zapata, alyas Jen, 50, ng Rm. 205 B Sagana Tower 1 Condominium na matatagpuan sa  J. Ampil St. Sta.Mesa,Maynila.

Ibinalot pa sa kumot ang bangkay ng biktima.

'Bloody Valentine'

February 18, 2016

SA halip na i-date ang misis noong Araw ng mga Puso, kinaladkad paakyat ng bahay sa gitna ng pag-aaway at tinarakan hanggang sa mapatay ng kanyang mister na nagseselos sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Jerlyn Flores, may isang anak, tubong Leyte, nangungupahan sa M. Natividad St., malapit sa panulukan ng Batangas St., sakop ng Barangay 345 Zone 35, sa Sta. Cruz, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na si Benny Bernez, live-in partner ng biktima, na isang tricycle driver.

'Mr. Lonely' nasobrahan ng lungkot noong Valentine's Day

February 17, 2016

ISANG lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng  pagbibigti sa sarili sa mismong Araw ng mga Puso sa Quezon City. Kinilala ang biktima na si Neomidez Darantan, 27, may asawa, isang delivery driver at tubong-Tumaini, Isabela.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nadiskubre ng isang kasamahang babae sa loob ng kubeta ng kanilang pansamantalang tinutuluyan sa 89 Malumanay St., Brgy. Teachers Village West, Quezon City ganap na alas 4:00 ng madaling-araw.