Skip to main content

Your Horoscope This Week

MARCH 6 to 12, 2016

ARIES – (Marso 21-April 19) – Panatilihin ang pagiging humble upang lalo pang magdagdagan ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sa pagpapakumbaba higit na mas magiging maligaya ang pakikipagrelasyon sa isang Leo. Lucky numbers mo ang 9, 18, 27, 38, 40 at 45. Red at violet ang lucky colors. Ngayong week na ito ay mababago ang mundo mo at ang mga priorities mo sa buhay.

 

TAURUS – (April 20-May 20) - Panahon na upang abutan ng kaunting halaga o kaya’y regalo ang mga taong tumutulong sa iyo. Tandaang ang pagtanaw ng utang na loob ang lalong magpapaunlad ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti mo ay makakatagpo ka rin ng true love. Lucky numbers mo ang 1, 18, 26, 34, 40 at 45. Pink at yellow ang lucky colors. Ang mga suliranin ay praktikal na mga pagsubok na kailangan mong malampasan.

 

GEMINI – (May 21-June 21) – Sa negosyo, umpisahan ng mangalakal sa iba’t ibang lugar. Sa pag-ibig, paghandaan ngayon pa lang ang binabalak na pamamasyal at pagsi-swimming ninyong magkarelasyon ngayong tag-araw. Lucky numbers mo ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Yellow at pink ang lucky colors. Nasa pagsubok ka ngayon, pero gamitin ang sense of humor para malagpasan mo iyan.

 

CANCER – (June 22- July 22) – Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Kumilos ka na agad ngayon. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Lucky numbers mo ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Green at blue ang lucky colors. Bago magsara ang isang negosasyon at baka hindi ka makasama, agapan ang pagsali sa proyekto.

 

LEO – (July 23 – August 22) – Iwasan ang ugaling mahilig manghingi. Mas susuwertehin ka at mas gaganda ang kapalaran kung tatayo ka sa sarili mong mga paa nang walang ibang inaasahan. Sa pag-ibig, huwag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo, minsan na nga lang kayo magkita bakit may pagtatampuhan pa? Lucky numbers mo ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Yellow at red ang lucky colors. Pasasalamatan mo na hindi ka naging bahagi ng isang maling sistema.

 

VIRGO – (August 23 – September 22) – Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilisan ang pag-iipon ng pera. Sa pag-ibig, kapag naglambing ang kasuyo ay maglambing din agad. Lucky numbers mo ang 5, 18, 25, 34, 40 at 49. Green at silver ang lucky colors. Masasayang lang ang oras mo kung “tentative” ang gagawin mong desisyon.

 

LIBRA – (September 23-October 23) – Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa kanila ka huhugot ng lakas at kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pasalubungan ng masarap na cake ang kasuyo upang matuwa naman siya sa iyo. Lucky numbers mo ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Blue at beige ang lucky colors. Isang kaibigan ang nagkamali ng desisyon, at maaalala niya ngayon kung gaano ka kaimportante.

 

SCORPIO – (October 24 – November 21) – Ang pag-iipon ang sure step patungo sa masaganang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal para magtiwala siya sa iyo. Lucky numbers mo ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Green at yellow ang lucky colors. Gamitin ang weekend sa pag-iisip kung paano hindi maaaksaya ang iyong oras sa mga darating na panahon.

 

SAGITTARIUS – (November 22 – December 21) – Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Lagyan ng ilaw ang mga bahagi ng bahay na madilim. Sa pag-ibig, sa inyong silid ng minamahal ay lalong iinit ang pagmamahalan kung gagamit ng kulay na ilaw na kulay pula. Lucky numbers mo ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Bukod sa pula ay lucky color mo ang violet. Nananaig pa rin sa iyo ang katotohanan at katarungan.

 

CAPRICORN – (December 22 – January 19) – Sa lipunan at iba pang political activities ay malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, lumabas ng bahay at maki-join sa lipunan; sa lipunan din matatagpuan ang true love. Lucky numbers mo ang 4, 14, 17, 29, 33 at 42. Blue at brown ang lucky colors. May nag-take advantage sa iyo, at isang magandang learning curve iyon sa part mo.

 

AQUARIUS – (January 20 – February 18) – Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatilihin ang pagiging palangiti at masayahin. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Lucky numbers mo ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Red at green ang lucky colors. Sabihin mo agad na ayaw mo sa isang bagay kapag hindi ka interesado.

 

PISCES – (February 19 – March 20) – Mabilis talagang maubos ang salapi kaya konting tipid muna. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo kaya abutan siya ng regalong nasa wish list niya upang siya ay sumigla. Lucky numbers mo ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Gold at white ang lucky colors.  Malungkot ka sa nangyari sa pagitan ninyo ng iyong friend, pero aminin mong na-relieve ka rin.