Huwag Mong Madaliin Ang Umaga
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ISBN:
Labis na nasaktan si Alexa Mae nang malaman kung bakit pinakasalan ng kanyang daddy na dating sikat na singer ang matandang multimilyonaryong si Hazel Laforteza. Kaya naghanap ng paraan ang dalaga kung paano maililigtas ang ama sa saya ng dominanteng madrasta. At ang naisip niya: mag-asawa ng mayaman din. Subalit ang natagpuan niya ay ang hindi mayamang si Paolo, working student na anak ng vegetable farmers. Mahal na mahal siya nito, at ang dalaga’y gayon din ang damdamin sa binata. Pero bukod sa langit at lupa nilang sitwasyon, may isa pang hadlang. Si Gilbert, ang lalaking ibig ng daddy niya at Tita Hazel na pakasalan ng dalaga. Hindi mahal ni Gilbert si Alexa Mae pero hindi papayag ang binata na mapunta sa ibang kamay ang dalaga!