Wanted: Caregiver
Read This Book Online
Publish Date:
Print Publisher
ANG magkaasawa ng foreigner ay itinuturing ng ibang mga Pinay na isang paraan para makatakas sa mahirap na pamumuhay sa bansa. Ang kaso ni Rowena, o Weng, ay iba. Pumatol siya kay Jeff, a young-looking 36-year old Canadian, para tumakas sa ginagawang sexual harassment sa kanya ng boss sa pinagtatrabahuhang munisipyo sa La Union. Pero pagdating ng dalaga sa Alberta, saka niya na-realize na nakaiwas nga siya sa init ng pagnanasa ng immediate superior niya sa Pilipinas, pero sa apoy naman siya nasadlak – apoy ng sarili niyang desire para kay Neil, 29-anyos, mala-movie star ang kaguwapuhan, pero kung tratuhin siya nito’y bilang isang caregiver at ‘kalaro’ lang sa kama.