Skip to main content

Bakit Ba Kita Minahal

Bakit Ba Kita Minahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-875-6

Nang mag-apply si Grace sa posisyong sekretarya ng civil engineer na si Leroy Zaldarriaga, ang tanging habol niya’y ang malaking suweldo. Huli na nang malaman niyang ang magiging boss pala niya’y binata pa – at sobrang macho at ma-chicks. May boyfriend na siya – isang OCW sa Singapore – at iyon ang kanyang iniisip na magiging mister niya. Ngunit nang biglang sabihin sa kanya ni Leroy na gusto nitong maging asawa siya, hindi siya nakatanggi. At naging bahagi siya ng nakaraan ni Leroy – isang nakaraan na naglantad sa tunay na pagkatao nito...

Ipagsisigawan Ko, I Love You!

Ipagsisigawan Ko, I Love You!

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-992-2

Mula sa California, U.S.A., si Lynn, isang dalagang Fil-American, ay nagbalik-bayan para sa isang dalawang linggong bakasyon dito – at upang makipagkita sa kanyang boyfriend na si Jun Lebran. Engaged to be married na si Lynn kay Jun. Buong paniwala ng dalaga ay wala nang balakid para maging maligaya ang kanyang buhay bilang si Mrs. Jun Lebran. Kaya lamang ay nagbiro ang tadhana: Humalang sa kanyang landas ang isang lalaking tingin niya’y may hawig sa Hollywood actor na si Tom Cruise – si Santi na isang jeepney driver!

Joni Loves Johnny

Joni Loves Johnny

Read This Book Online

Publish Date: 

1990

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-922-1

Ang tambalan nila, perfect – singer si Joni, pianist si Johnny. They make beautiful music together, wika nga. Pero iyon ay literally, hindi romantically. Ang problema, itong Joni, hopelessly in love kay Johnny. Pero itong si Johnny, may girlfriend nang balak pakasalan. At sa sitwasyong ito ng isang pag-ibig na nakatadhana yatang malanta nang hindi pa man sumisibol, pumasok ang isang napakayamang maglolo na parehong nagkaroon ng pagnanasa kay Joni! Ngayon, paano magkakaroon ng happy ending ang love story ni Joni?

Mahal Ang Magmahal

Mahal Ang Magmahal

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-030-6

Ang pangarap sa buhay ni Rosanna ay makapag-asawa ng katulad ng naging mister ni Kring-Kring Gonzales o ni Rio Diaz – mga pogi na’y matatalino pa’t mula sa mayayaman at kilalang angkan. Ngunit doo’y nagkaroon si Rosanna ng dalawang grabeng balakid. Una, ang kanyang mama na kailangang ipa-bypass niya ang puso. Napakalaking gastos iyon, kaya kumapit siya sa patalim – hindi lamang nag-sexy print ad model siya, umentra pa rin siya sa pelikula, ala Ina Raymundo! Ang ikalawa’y isang lalaki sa katauhan ni Bren. Ito’y pogi, macho, maykaya naman sa buhay.

Santo ang Boyfriend Ko

Santo ang Boyfriend Ko

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-964-7

Ang boyfriend ni Susan, si Alvin, pangarap na maging isang lay minister – iyon bang tagapagpalaganap ng mga salita ng Panginoong Diyos. Ayos naman iyon. Danga’t iyon pala ang gawaing balak harapin nang husto ni Alvin. Pag mag-asawa na raw sila ni Susan, di tulad ng ibang padre de pamilya, hindi siya magtatrabaho. Sa mga pangangailangan nila sa buhay, bahala na raw ang Diyos. Hindi naman sa walang sampalataya si Susan sa kabutihan ng Diyos. Praktikal lamang siya. Hindi raw naman yata tama iyong sa Diyos mo na lamang iaasa ang kakainin mo.