Skip to main content

Ayoko Nang Mangarap

Ayoko Nang Mangarap

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-076-4

ISA siyang hamak na mamimitas ng kape na umibig sa kanyang Senyorito Luis. Ipinagkaloob niya nang buung-buo ang sarili sa lalaki nang walang tanung-tanong. Ngunit tinakot si Luis ng matapobreng ina. Itatakwil. Aalisan ng mana. At naduwag si Luis. Tinalikuran siya ni Luis. Patuloy pa rin ba siyang aasa? Mangangarap na isang araw ay magkakaroon ng katuparan ang kanilang pag-ibig?

Babayaran Ko Ng Pag-ibig

Babayaran Ko Ng Pagibig by Loreta E. Baltazar

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-007-1

Kinailangang talikuran ni Marilou ang pag-iibigan nila ni John upang iligtas ang pamilya ng lalake sa malaking eskandalong bunga ng pagkaka-rape sa kanya ng kapatid nitong si Jordan. Sumama siya kay Dindo, isang masugid na manliligaw upang iligtas ang sariling kahihiyan. Paano kung malaman ng lalaki ng ginamit lang niya ito? At paano kung matuklasan ni John ang lahat?

Bago Tuluyang Mawala Ang Pag-Ibig

Bago Tuluyang Mawala Ang PagIbig by Loreta E. Baltazar

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-013-6

Nawalan ng trabaho si Dindo dahil sa tinamong aksidente. Ibayong hirap at pagdusta ang naranasan niya sa biyenan, kung saan doon sila nakatira kasama ang asawang si Lorna at ang kambal na anak. Sa sama ng loob ay lumayas ito at nakituloy sa tirahan ng kaibigang dancer na si Didi para patunayan sa asawa na kaya niyang buhayin ito. Sa nangyari, sino ang maniniwalang wala silang relasyon ng dancer gayong natutulog silang magkasama sa iisang silid? Paano niya bubuhayin ang asawa at ang kambal na anak?

From Hongkong With Love

From Hongkong With Love

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Sa Hongkong nagkakilala sina TJ at Stella. Sa Hongkong sila nagkaibigan. At sa Hongkong sila pakakasal. Ngunit sa araw ng kanilang kasal, habang naghihintay si Stella sa simbahan ay nagtungo si TJ sa airport at sumakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas. Paano tatanggapin ni Stella na wala na ang lalaking pinagsanglaan niya ng lahat-lahat sa kanya at sa ama ng dinadala niya sa sinapupunan?

 

Hindi Ka Mahirap Mahalin

Hindi Ka Mahirap Mahalin

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-036-5

Guwapo, isang papasikat na Engineer, at higit sa lahat buhat sa kilalang angkan si Christopher Marlowe Sanvictores. Natural lamang na ang pangarapin niyang mapangasawa ay maganda, sexy at edukada. At natagpuan niyang lahat ang mga katangiang iyon kay Marjorie, ang babaeng ayon sa kanya ay siya niyang ihaharap sa altar. Ngunit nakilala niya si Yasmin. Maganda, sexy at edukada. Higit doon, mabait at malambing. Pero may isang kapansanan ang babae na agad naka-turn off sa kanya. Pilay ang babae. Si Yasmin ba o si Marjorie na ayon sa mga kaibigan niya ay bagay na bagay sa kanya?

Kahit Hindi Mo Sabihin

Kahit Hindi Mo Sabihin

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971 – 640 – 043 – 8

Sugatan si Gil nang matagpuan ng nanay ni Nelia sa likod-bahay nila. Inakala tuloy ng dalaga na ang lalaki’y takas na bilanggo, magnanakaw o nagbebenta ng mga bawal na gamot . At tahasan niyang ipinamukha iyon kay Gil. Ngunit natuklasan niyang taliwas sa lahat ng inaakala niya ang tunay na pagkatao ng lalaki. Paano pa siyang makakaharap sa lalaking sa kabila ng malaking naitulong sa kanyang pamilya’y inakala pa rin niyang masama? Mahalin pa rin kaya siya ni Gil sa kabila ng lahat?

Kung Maghihilom Pa Ang Sugat

Kung Maghihilom Pa Ang Sugat

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-070-5

Hindi akalain ni Mildred na mangyayari iyon. Na ang pinagmamalasakitang estudyante, na napapabayaan ng negosyanteng mga magulang, ay iibig sa kanya. Sa kanya na may asawa at anak. Isang pag-ibig na matindi. Hahamakin ang lahat. Nalagay sa isang mahirap na sitwasyon. Paano niya ipauunawa sa teenager na hindi pagmamahal ang ipinakita niyang pagmamalasakit dito? At paano niya ipaliliwanag sa asawang si Alex na wala siyang relasyon sa teenager liban sa relasyong estudyante-guro?

Paano Kung Wala Ka Na

Paano Kung Wala Ka Na

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-024-1

Sa pag-aakalang mapapadali ang inaasam-asam niyang kasal nila ni Julio ay pumayag si Sally na mamasukan ito bilang tagapag-alaga ng mayamang tiyahin ng kasintahan. Nang makawala ay nagloko si Julio sa iba’t-ibang babae. Samantala, umibig naman sa kanya si Gil, ang anak na binata ng mayamang tiyahin ni Julio. At unti-unti na ring napapamahal sa kanya ang mayamang binata. Ang problema ay si Julio. Nagbabalik ito sa kanya at nagyayaya nang pakasal. Gayon din si Gil.

Sana'y Maulit Muli

Sana'y Maulit Muli

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

SA sandali ng pangangailangan ay inabandona ni Elgin ang kasintahang si Yna Lei. Inakala niyang nagtaksil sa kanya ito nang maaksidente ito na kasama sa sasakyan ang dating kasintahan. Ang kanyang pagkukulang kay Yna Lei ay pinunan naman ng kanyang bestfriend at kasosyo sa negosyong si RR. In the process ay na-developed ang damdamin ni Yna Lei kay RR at tinugon nito ang inihahandog na pag-ibig ng lalaki. Saka naman nagbabalik si Elgin at sumusumpang gagawin ang lahat para mabawi ang kasintahan kay RR. Maulit pa kayang muli ang dati’y matamis nilang kahapon?