Skip to main content

Yesterday And Today

Yesterday And Today

Read This Book Online

Publish Date: 

2013

Print Publisher

Harrel Publishing Corp.

Para kay Merill Quino, sumpang matatawag ang tila mga laman na nagsulputan sa kanyang mukha. Lahat halos ng panlalait ay narinig na niya. Pero sanay na siya. Handa na nga siyang tumandang mag-isa! Sa kabila ng kanyang hitsura, hindi siya nagkaroon ng pagsisising isinilang siya sa mundo. Tanggap naman siya ng komunidad na kanyang kinaroroonan. Pangit man siyang tingnan, may maganda naman siyang tinig na kumuha ng atensiyon ng karamihan, kasama na roon ang simpatikong si Sebastian Olivia na naging tagahanga siya. Hanga man siya sa binata, sinarili lamang niya iyon. Sino ba naman siya para pansinin nito! Subalit laging may himala! Sinorpresa siya ng mga magulang! Kaya pala nag-iipon ng pera ang mga ito ay para mapalinis ang kanyang mukha. Kung kailan maganda na siya, saka naman siya nakaramdam ng sakit sa dibdib dulot ng pag-ibig! Kung noong pangit siya, wala siyang problema! Noon niya nadiskubreng kumplikado pala ang buhay ng isang maganda!

 

3.666665
Your rating: None Average: 3.7 (3 votes)

Read this pocketbook now online! Register na or Log-in