Introducing E-Media Variants
E-Media Variants
A variety of Short Stories presented by E-Media covering a wide range as written by seasoned writers and authors aimed at providing different kinds of Pinoy Romance experiences...
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 1)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Unang labas)
ANG unang napansin ni Jason pagpasok pa lang niya sa Rosas Compound ay tahimik ang lugar. Old school ang yari ng bahay na uso noong 60’s. Dominant ang material na kahoy. Medyo faded na ang pintura. Malaking property. May mga puno pa ng kaimito at santol kaya malilim. Sa isang bahagi iyon ng Sampaloc, Manila; malapit sa university kung saan siya magma-masteral.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 2)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ikalawang labas)
MAHAL na mahal niya si Hazel, pero si Jason ang taong mabilis maka-move on. He is not used to crying over a spilled milk. Nalulungkot siya sa nangyari sa kanila ni Hazel, pero kailangang magpatuloy ang buhay niya. Kaya nga iiwan niya ang kuwartong ito para madali siyang makalimot.
Nagpahatid siya sa taxi sa Rosas Compound. Dala niya lahat ang kanyang mga gamit. Kinontrata niya ang taxi driver at nagpatulong pa siya sa pagbubuhat dito.
My Pretty Photobomber (Part 2)
Ni KC CORDERO
(Ikalawang labas)
NAGMAGANDANG-ARAW si Storm sa chairman.
Nagpakuha ito ng isa pang silya sa tanod na nakikiusyoso sa kanila. Pinaupo siya. Nasa pagitan siya ng dalaga at ng ale. Napasulyap siya sa aso, masama ang tingin nito sa kanya, nakalabas ang mga pangil at bahagyang nag-“grrrr!”. Mukhang natandaan na siya ang nanakit dito kanina.
“May reklamo sa iyo itong si miss,” sabi ng chairman at itinuro ang dalaga. “Muntik mo na raw pinatay ang aso niya.”
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 3)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ikatlong labas)
NAPAPITLAG si Jason at inalis ang malisya sa isip. “Puwede bang makikape?” tanong niya sa dalawa.
“Sure,” sagot ni Iza. “Samahan mo na rin ng sandwich.” Humagikhik ito.
Tumawa siya. Cool, sa isip-isip niya. Madali naman palang makasundo ang mga boarders ni Dada. Sumenyas siya sa dalawa na papasok lang muna sa kuwarto at babalik din agad.
My Pretty Photobomber (Part 3)
Ni KC CORDERO
(Ikatlong labas)
SA kanila naman ay hindi matapus-tapos ang pagtawa ni Lorde. Hindi siya maka-move on sa eksenang nasaksihan kanina sa barangay. Akalain mo ‘yun? Napaka-hunk nang sumipa kay Sam pero pag nagugulat pala ay nag-aastang beki!
Parang nakapagkit sa isip niya ang biglang pagtili nito at pagtataas ng dalawang kamay sa pagkagulat. Pagkatapos ay natutop ang bibig.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 4)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ikaapat na labas)
NAGULANTANG si Jason nang biglang dakmain ni Iza ang kanyang dyunyor na nagsimulang mag-react. Ang higpit ng pagkakadaklot doon ng masahista!
“Sabi ko na nga ba’t may itinatago kang kapilyuhan,” anito at inilapit ang mukha sa kanya.
My Pretty Photobomber (Part 4)
Sinulat ni KC CORDERO
(Ikaapat na labas)
KUMPARA kanina nang una siya nitong puntahan ay iba ngayon ang ngiti ng barangay tanod. May halong pang-aasar. Iniisip siguro nito na “bumigay” siya kanina nang tumahol si Sam kaya ang impresyon nito ngayon sa kanya ay isang “paminta”.
Inisip ni Storm, ano kaya kung bigla niya itong buhatin at ibagsak sa kalsada para matauhan ito at malaman kung gaano siya kaastig?
“Tawag ka ni Chairman Gerry,” anang tanod.
Ang Mga talulot Sa Rosas Compound (Part 5)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ikalimang labas)
NAKARAMDAM ng pagkabitin si Jason nang tumayo na si Iza nang tangkain niyang i-caress ang cherry nito. Pero ayaw rin naman niyang biglain ang sitwasyon. Mainam na nga ang ganoon, at baka may mangyari pang mas maganda mamayang konti.
My Pretty Photobomber (Part 5)
Sinulat ni KC CORDERO
(Ikalimang labas)
ALAS OTSO na ng umaga nang magising si Storm. Tumakbo agad siya sa treadmill para mawala ang carbo intake niya kagabi. Takot siyang tumaba, kaya pag nakakainom siya ng beer ay agad siyang nagpapapawis.
Naalala niya ang kanyang Volks. Sinulyapan niya iyon sa labas. Kailangang mailipat niya mamaya, o dalhin na niya sa bahay ng parents niya pag wala pa rin siyang mapaparadahan.
No choice, naisip niya.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 6)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-6 na labas)
NAGULAT si Jason nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at suungaw si Dada. Napasigaw naman ito nang makitang naliligo siya at sinasabon ang kanyang dyunyor. Nakatingin doon si Dada bago nagmamadaling isinara ang pinto pagkalabas.
My Pretty Photobomber (Part 6)
Nobela ni KC CORDERO
(Ika-6 na labas)
SA bahay nina Lorde ay hindi mapakali ang dalaga.
Nawawala si Sam!
Nai-stress na si Lorde sa paghahanap sa kanyang makulit na pet. Maging ang Tita Nora niya ay nakihanap na rin dahil kung minsan ay nagtatago ito sa mga bunton ng tuyong dahon sa kanilang bakuran. Pero wala talaga. Kung minsan ay nakalalabas din ng kanilang gate pero bumabalik naman.
Nang medyo dumilim na at wala pa rin ito, nagsimula na siyang mag-panic. Ngayon lang nawala si Sam nang ganito katagal.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 7)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-7 labas)
NAALALA ni Jason si Rosela, o ang kanyang Ate Ela na inaanak sa kasal ng nanay niya. May pakiramdam siyang inaakit siya nito. Naikuwento pa nitong dose anyos pa lang ito ay nakikipaghalikan na.
“Dapat sa edad mong ‘yan ay may experience ka na,” sabi pa sa kanya ni Rosela. “Ni hindi ka pa yata nakakahawak ng kamay ng babae.”
Tumawa siya. “Sabi sa amin ni Father sa simbahan, may tamang oras sa pag-ibig.”
My Pretty Photobomber (Part 7)
Nobela ni KC CORDERO
(Ika-7 labas)
NANG hainan ni Storm si Lorde at si Chairman ng meryenda ay biglang nakaramdam ng hiya sa binata ang dalaga.
“K-kain ka rin,” alok ni Lorde kay Storm.
Ngumiti si Storm na kita ang mapuputing ngipin. “Tapos na ako. Sige lang, enjoy my humble merienda.”
Nagbukas ito ng ref at kumuha ng power drink. Iyon ang ininom.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 8)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-8 labas)
TINUPAD ni Jason ang usapan nila ni Rosela na babalikan niya ito pagsapit ng gabi. Nang magkita sila’y niyaya siya nito sa banyo na nasa labas lang ng kubo nito.
Nang nasa loob na sila ng banyo ay naging sunud-sunuran na siya kay Rosela. Yari sa kawayan at dahon ng niyog ang banyo. Walang bubong. Nang mapatingala siya ay napakaaliwalas ng kalawakan. Ang daming bituin at maliwanag ang buwan.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 9)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-9 na labas)
HABANG umiinom ay nakayakap si Leo kay Dada. Ang babae naman ay laging nagnanakaw ng tingin kay Jason. Paminsan-minsan ay humahalik ito sa pisngi ni Dada. Medyo nailang si Jason kaya nagpaalam sa mga ito na magte-check lang sandali ng e-mail.
Nahiga muna siya sa kama. Tiningnan niya kung may message sa kanyang cellphone. Wala. Nag-browse siya ng contacts. Huminto sa pangalan ni Hazel. Nag-dial siya. Not yet in service ang sabi ng computer voice prompt.
My Pretty Photobomber (Part 9)
Nobela ni KC CORDERO
(Ika-9 na labas)
PAPASOK sa trabaho at papunta na si Lorde sa abangan ng taxi nang makasalubong niya si Storm. Hindi niya alam kung bakit pero biglang-bigla ay lumakas ang tibok ng kanyang puso! Pinilit niyang maging kalmante kahit sobra siyang nate-tense.
Ubos na ang posters ni Sam na dala nito kanina, at malaking stapler na lang ang nasa kamay ni Storm. Ngumiti ito nang magtama ang kanilang mga mata. Killer smile na may pagkapilyo.