Skip to main content

Maalaala Mo Kaya: Makinilya

Maalaala Mo Kaya: Makinilya

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-816-000-0

Dear Charo, Uso pa ba ang kasal? O ang hindi na uso ay ang pagsasama ng matagal? Ano ang pinakamabigat na kasalanang magagawa ng isang lalaki o isang babae sa kanyang relasyon? Isa sa mahahalagang salin ng buhay ang pagbabago. Walang bagay ang hindi sumasailalim ng transpormasyon. Ngunit kasama ba sa mga bagay na ito ang pag-ibig? Tawagin mo na lang akong Nelia, Charo. Tubo akong Sampaloc sa Maynila at isa sa libu-libong tagatangkilik ng programa mo sa telebisyon. Hindi ko nga akalaing darating ang araw na magpapadala rin ako ng aking kuwento para ibahagi sa inyong mga tagasubaybay.

Maalaala Mo Kaya: Siomai

Maalaala Mo Kaya - Siomai

Read This Book Online

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-816-017-5

“Ako ang nagtanim. Ako rin ang nagbayo. Ngayong naisaing ko na, bigla kang dumating at gustong angkinin ang pinagpaguran ko.” May apoy ng panunumbat sa bawat salitang binitiwan ni Miko. “Tama ang analogy mo. Pero ang bottomline, sino ba ang mahal ni Cathy? Bakit hindi mo tanggaping walang pupuntahan ang inyong relasyon?” nanghahamon ang tinig ni Greg. Subalit sa halip sumagot, hinablot ni Miko ang mangkok ng siomai at isinaboy sa mukha ni Greg ang laman niyon.