Skip to main content

Ayaw Ko Nang Mangarap

Ayaw Ko Nang Mangarap

Read This Book Online

Print Publisher

Valentine Romances

Engagement Bracelet

Engagement Bracelet

Read This Book Online

Publish Date: 

1991

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

Kakaiba ang birthday gift na tinanggap ni Hilda mula kay Eric. Isang gold plated na bracelet. Anang note na kasama niyon: “If you keep this, love mo rin ako at magsyota na tayo. If you don’t want to, then just return it to me.” Bagama’t may konting pagtingin sa kaklase, nainis si Hilda sa paraan ng panliligaw nito. Ipinasiya niyang isoli ang bracelet. Pero bakit parang bulang naglaho ang alahas at hindi na niya makita?

Hindi Huwad ang Pag-ibig Ko

Hindi Huwad ang Pag-ibig Ko

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-396-7

Dati’y parang prinsesa si Laarni sa isang fairy tale story. Magagara ang mga kasuotan, mararangya ang mga okasyong dinadaluhan. At maging ang pagmumodelo ay isa lamang libangan at hindi hanapbuhay para sa dalaga. Hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Wika nga’y doon natapos ang kanyang maliligayang araw. Nakatakda palang siya ang magbayad sa hiram na luhong ipinalasap nito sa kanya. Kaya ba niyang manloko ng isang tao mapanatili lamang ang kinasanayang buhay? Paano kung ang taong lolokohin niya ay kasingtunog ng milyonaryong si Adam Montelibano?

Hindi Sinasadyang Dayain Ka

Hindi Sinasadyang Dayain Ka

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-646-X

Sikat na romance writer si Shanna. Minsang kinapos siya ng paksang maisusulat ay napagtuunan niya ng pansin ang incompetent at kinabubuwisitang katulong na si Myra. At nabuo sa isip niya ang isang weird na ideya: ang magpanggap na katulong sa isang mayamang pamilya! Sa una pa lamang ay susuko na sana siya. Hindi lamang niya maiwan si Miguel, ang isa sa kanyang naging amo. Lihim siyang umiibig sa binata at palagay niya ay nagkasimpatiya rin ito sa kanya. Pero paano siya mapapatawad ng lalaki kapag nalamang pinaikot lamang niya ito sampu ng buong kapamilya?

Itiklop Na Natin Ang Kahapon

Itiklop Na Natin Ang Kahapon

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Masakit ang naging unang karanasan ni Odessa sa pag-ibig. Binigo siya’t ipinagpalit sa iba ng nobyong si Norman. Nakabawi lamang siya ng makilala at ibigin si Mac. Pero sa malas ay hindi siya basta-basta papayagan ni Norman na mawala sa buhay nito. Paano ba niya ipauunawa sa lalaki na gusto na niyang itiklop ang lahat ng tungkol sa kanilang nakaraan?

Kapag Maaari Mo Na Akong Ibigin

Kapag Maaari Mo Na Akong Ibigin

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-4963

Hindi na sana gusto ni Marjorie na bumalik sa Pilipinas. Mayroon siyang tinatakasan doong malungkot na nakaraan. Ngunit kailangan niyang bumalik upang maging normal ang kanyang buhay. Hindi niya inaasahang lalong mawawala sa kaayusan ang kanyang buhay sa pagsasanga ng landas nila ni Mark - ang taong may malaking kaugnayan sa kahapong gusto niyang takasan!

Kung Nalalaman Mo Lamang

Kung Nalalaman Mo Lamang

Read This Book Online

Publish Date: 

1989

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

Anim na taon na ang nakararaan, nagkaraoon ng gap ang dati’y magandang pagtitinginan ng magpinsang Irish at Maricel. Inakusahan ni Maricel si Irish na mang-aagaw ng nobyo. Nagkasundo lamang silang muili nang mabaling ang pansin ni Maricel kay Jake. Pero sa malas, si Jake ay kay Irish na naman naaakit. Kaya ba niya ang mas matinding galit ng pinsan sa ikalawang pagkakataon? At paano kung ang kalaban na niya ay ang sarili na umpisa pa lamang ay naakit na rin kay Jake?

Taksil Ka Man Sa Pagsinta

Taksil Ka Man Sa Pagsinta

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-472-6

ALAM ni Renata na may malaking dahilan kung bakit nagustuhan ng kababatang si Mon ang pagiging konserbatibo niya at mahinhin. Akala niya ay wala nang katapusan ang kanilang kaligayahan. Ngunit umentra sa buhay nila ang isang tuksong nagngangalang Thet. Umiyak si Renata nang maakit ng babae si Mon. Kasabay niyon, sumumpa siya sa sarili: tapos na ang pagiging ‘Maria Clara’ niya. Ipakikita niya kay Mon na kung sa kaseksihan at pagiging moderno lamang ay kaya niyang daigin ang babaing ipinalit nito sa kanya...!