Skip to main content

Gusto Mo Iyo Na Ang Mister Ko?

Gusto Mo Iyo Na Ang Mister Ko?

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

Queen of Hearts Romances

Open secret sa mga oldtimer na caregivers sa Israel na may mga disabled na employers na active ang sex life. Alam nila dahil may mga instances na kailangang um-assist sila sa lovemaking ng mga iyon. Sa unang pag-assist ni Thea sa pagsiping sa amo niya sa boyfriend, umalalay rin siyempre ang tagapag-alaga ng huli, si Larry. Pero may nangyari sa magkababayang caregivers nang gabi ring iyon, pati nang mga sumunod pang date sa kama ng mga amo nila. Kung pagmamahal o purong makamundong paghahangad ang nag-udyok kina Thea at Larry, sino ang perpektong huhusga sa sitwasyon?

Kunwari'y Hindi Kita Mahal

Kunwari'y Hindi Kita Mahal

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

Queen of Hearts Romances

MARAMING overseas Filipino workers, o OFWs, ang handang dayain ang civil status makasunod lang sa ibang foreign employers na ang gusto’y single ang kuning employees. Ginawa iyon ni Trisha, personal beautician ng misis ng isa sa pinakamayamang businessman sa isang bansa sa Middle East. Ngunit kung inakala ni Trisha na sinuwerte siya sa gaan ng nakuhang trabaho, she found out soon enough na maling-mali siya. Una’y ‘napuwersa’ siyang tumikim ng sarap sa piling ng isang guwapong Frenchman na well-experienced sa kama.

My Foolish Heart

My Foolish Heart

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

MysticRose Publications

Batang-bata si LARISSA nang mag-abroad. Ten years niyang ipinaghanapbuhay ang pamilya bago siya nakahalata na aping-api na siya.
By that time ay maayos na ang overseas job ng dalaga pero nagpasya siyang mag-resign at magbalikbayan.
Kababayan ang nakatabi niya sa eroplano, si LEO: guwapo, mayaman, at attracted agad ito, in a sexual way, kay Larissa. Naglasing sa flight ang dalaga, she was so depressed at parang ibig niyang magwala.
‘Pinagbigyan’ naman ni Leo ang pagwawalang iyon ni Larissa – they spent four days and three nights sa isang hotel sa London.

My One True Love

My One True Love

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

MysticRose Publications

NANG magsimulang magbilang ng boyfriend ang bunso ng mga Orosa, si Gemma, nagsimula ring mabawasan ang pagtingala ng pamilya sa kanilang bayan sa Batangas. Pero medyo nakahinga sila nang lumipad pa-New Zealand ang dalaga para magpraktis doon ng propesyon. Di nagtagal, habang nakatira sa Auckland, nagkarelasyon si Gemma sa guwapong American na si Benedict. Later, na-realize niyang may sikretong pagkatao ang boyfriend.

Tago Nang Tago (Around the World)

Tago Nang Tago (Around the World)

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

MysticRose Publications

Ang drama sa buhay ni Tina noong siya’y 18-years old pa lang ay ang kagustuhan niyang siya ang magbigay ng ginhawa sa kanyang pamilya sa halip na umasa lagi sa padalang pera ng mga kapatid sa abroad ng tatay niya. Nag-abroad siya. Palpak agad. Naloko na siya ng recruiter, nabilibid pa siya sa Italy. Pero hindi siya nadala. Nag-abroad uli siya. Sa Japan naman. After five months, TNT ang labas niya. Eight years siyang naging illegal worker. Nakarating siya sa iba’t iba pang bansa. Iyon nga lang, tago siya nang tago dahil peke ang mga papeles niya.

Wanted: Caregiver

Wanted: Caregiver

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

Queen of Hearts Romances

ANG magkaasawa ng foreigner ay itinuturing ng ibang mga Pinay na isang paraan para makatakas sa mahirap na pamumuhay sa bansa. Ang kaso ni Rowena, o Weng, ay iba. Pumatol siya kay Jeff, a young-looking 36-year old Canadian, para tumakas sa ginagawang sexual harassment sa kanya ng boss sa pinagtatrabahuhang munisipyo sa La Union.